Propesor kay Kris: Matuto kang rumespeto ng kapwa mo! | Bandera

Propesor kay Kris: Matuto kang rumespeto ng kapwa mo!

Cristy Fermin - February 10, 2015 - 03:00 AM

kris aquino
Ayaw pumayag ng kaibigan naming propesor na “sin of pride” ang dapat itawag sa mga pinaggagagawa ni Kris Aquino. ‘Yun daw kasi ang ipinanghingi ng tawad ni Kris kay Lord nang tangka na niyang i-text si Judy Ann Santos na minsan niyang in-unfollow sa kanyang Instagram account.

Nang mahimasmasan si Kris ay napag-isip-isip siguro niya na wala siyang karapatang harangan ang saloobin ng kanyang kapwa, tulad ni Juday, na nagbigay ng komento tungkol sa kapatid niyang pangulo nu’ng hindi man lang nito salubungin ang mga bangkay ng SAF-44 at mas inuna pa ng pangulo ang pagdalo sa isang kumpanya ng sasakyan.

Komento ng aming kaibigang propesor, “Mababaw masyado kung sin of pride lang ang isasangkalan niya, kulang na kulang ang description na ‘yun! Sobrang babaw talaga!

“May kayabangan si Kris, ang akala niya, e, beholden sa kanya ang mga co-stars niya, na para bang siya lang palagi ang tama at mali palagi ang ibang tao.

“Kapag siya na ang nagsalita, kailangang i-take ‘yun as gospel truth ng lahat, ganu’n siya kayabang, ganu’n siya ka-self righteous, ganu’n siya ka-self serving.

“It’s about time na magising na siya sa katotohanan na hindi niya puwedeng paikutin ang lahat ng tao sa mga pinaggagagawa niya. Hindi lahat ng tao sa lahat ng panahon.

Puwedeng paminsan-minsan lang, pero hindi sa lahat ng time. “Ang pinakamaganda niyang dapat gawin, e, rumespeto siya sa karapatan ng kapwa niya, huwag siyang pikon, dahil siya ang de-primerang pikon!” madiing sabi ng propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending