MAGANDANG hapon. May empleyado kami na kailangang gumamit ng PhilHealth.
Ang problema hindi pa kami updated sa reporting kasi may mga empleyado pa kami na kulang sa requirements kaya hindi pa namin ma-update, pero ang payment namin ay
updated naman.
Pwede pa rin bang magamit ng aming empleyado ang kanyang PhilHealth? Ano ang dapat naming gawin?
Milagros
REPLY: Bb. Milagros:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Tungkol po sa inyong katanungan na ipinadala sa Aksyon Line ni Bb. Liza Soriano, hinggil sa paggamit ng benpisyo sa PhilHealth ng inyong empleyado sa pagkakataon na hindi pa po ninyo naisusumite ang inyong monthly remittance report, nais po naming ipabatid na ayon sa polisiya upang ma-kagamit ng benepisyo ang isang miyembro na employed, kailangan lamang pong pirmahan ng kanilang employer ang Part IV – Employer’s Certification ng PhilHealth Claim Form 1 o CF1 at Member Data Record o MDR na siya pong isusumite sa billing section ng hospital.
Gayunpaman nais po naming ipaalala na ang pagsusumite ng monthly remittance report ay tuwing ika-limang (5) araw matapos magbayad ng premium upang ang contributions ay mai-post sa bawat empleyado.
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.phwww.philhealth.gov.ph
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.