Kris mauubos ang kaibigan dahil sa kasalanan ni PNoy | Bandera

Kris mauubos ang kaibigan dahil sa kasalanan ni PNoy

Cristy Fermin - February 04, 2015 - 03:00 AM

judy ann santos
In-unfollow na pala ni Kris Aquino ang Instagram account ni Judy Ann Santos. Minarkahan na niya si Juday nang dahil lang sa ginawang pagpapakatotoo ng aktres tungkol sa usapin ng SAF-44.

Para kay Kris ay hindi na pala totoong kaibigan ang isang taong naglalantad ng tunay niyang damdamin, ang gusto lang pala ni Kris ay mga taong amen nang amen sa kanya, wala siyang matatagpuang tunay na kaibigan sa mundo kapag ganu’n ang paiiralin niyang barometro.

Patuloy na ninipis ang listahan ng kanyang mga kaibigan kapag nagpatuloy ang pagiging ganito ni Kris. Pikon siya, gustong hawakan pati ang paninindigan ng kanyang kapwa, dapat niyang maintindihan na ang mga tunay na kaibigan ay hindi mapagkunwari para lang siya pasayahin at makakampi sa laban.

Mas kailangan ni Kris ng mga totoong kaibigan, ‘yung walang halong kaplastikan ang pakikitungo sa kanya, aanhin niya ang mga taong kampi sa kanya sa harap-harapan pero kaaway niya naman pala nang talikuran?

Magbilangan man ngayon ay talagang maraming hindi sang-ayon sa ginawa ng kanyang kapatid na pangulo sa naganap sa SAF-44.

Napakalinaw naman ng sentimyento ng mga naulila at ng buong bayan, ang kuya niya ang commander-in-chief ng mga pulis na nabuwis ang buhay, pero wala ang kanilang lider nang dumating ang kanilang mga bangkay sa Villamor Air Base at mas inuna pa ng pangulo ang pagpunta sa isang car show.

Natural, nag-alsa ang bayan, maraming personalidad ang nagpalutang ng kanilang personal na saloobin pero sarado ang utak at puso ni Kris sa karapatan at kalayaan sa pamamahayag ng kanyang kapwa.

Naglalabasan na ang tunay na kulay ngayon ng mga personalidad. Paksiyon-paksiyon na ang labanan. Mabuhay ang mga artistang may paninindigan!

Mabuhay ang mga artistang ang prinsipyo ay wala sa talampakan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending