James kay Kris: Siya pa rin ang ina ng anak ko!
Malapit nang mag-birthday ang dating mag-asawang sina Kris Aquino at James Yap – Feb. 14 ang kaarawan ng Queen of All Media habang sa Feb. 15 naman ang PBA superstar.
Kaya nang tanungin si James sa isang event kung ano ang birthday message niya para sa ina ng anak niyang si Bimby, isang simpleng, “Basta stay happy” lang ang nasabi nito.
Ayon pa sa basketball player, mula raw noong maghiwalay sila ni Kris ay bumabati naman daw siya sa dating asawa kapag birthday nito.
Hirit pa nga ng papa ni Bimby, “Kasi bali-baliktarin man ang mundo, nanay pa rin siya ng anak ko. So, siyempre, yung respeto nandu’n. Yun ang pinakaimportante du’n. Babatiin mo ‘pag birthday.”
Happy na raw siya ngayon sa estado ng relasyon nila ni Kris – bilang magkaibigan. Nagpapasalamat nga raw siya sa TV host-actress dahil maganda ang pakikitungo nito sa kanya at sa bago niyang girlfriend na si Michela Cazzola na close na rin daw kay Bimby.
“Thank God, yun ang pinagpe-pray ko na maayos lahat. Yung ang importante, wala nang problema,” pahayag pa ng cager sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.