DIABETIC RIDER WAGI SA STAGE 2 NG LE TOUR | Bandera

DIABETIC RIDER WAGI SA STAGE 2 NG LE TOUR

Mike Lee - February 03, 2015 - 12:00 PM

NAGPASIKAT ang may diabetes na si Scott Ambrose ng New Zealand nang kunin niya ang pangunguna sa Stage Two ng 2015 Le Tour de Filipinas kahapon mula Balanga, Bataan hanggang Iba, Zambales.

Ang 20-anyos na si Ambrose, na kinatawan ang Team Novo Nordisk ng USA, ay nasa unahan pagpasok pa lamang ng Bagac at ipinakita ang kahanga-hangang resistensya nang daigin pa sa rematehan si PhilCycling National rider Ronald Oranza para sa stage win sa karerang handog ng Air21 at may basbas ng UCI na inorganisa ng Ube Media Inc.

“It was super hot and the headwind made it a lot harder,” wika ni Ambrose na naorasan ng tatlong oras, 49 minuto at 52 segundo sa 154.7-kilometrong karera na may ayuda pa ng MVP Sports Foundation at Smart.

“I turned pro last year and this is my first stage win in my career. To get it in the Philippines is cool,” dagdag ni Ambrose na ang koponan ay binubuo ng mga riders na may Type 1 diabetes.

Ito ang ikalawang sunod na yugto ng karera na may suporta pa ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceutical Phils. at Canon na isang Pinoy uli ang pumangalawa nang maorasan si Oranza ng 3:50:05, katulad ng tiyempo ng pumangatlong si Ronald Yeung ng Hong Kong pero kumakatawan sa Attaque Team Gusto.

“Umabot ako sa first KOM at nakasabay ako hanggang sa last kilometer at doon na ako iniwan,” wika ni Oranza na nasundan ang ginawa ni 7-Eleven Road Bike Philippines rider Mark Galedo na pumangalawa sa unang lap kay Eric Sheppard ng Attaque Team Gusto.

Hindi naman nabago ang mga nasa itaas sa overall race dahil magkasama sina Sheppard at Galedo sa main peloton na tumawid sa meta.

May kabuuang oras si Sheppard na 7:07:31 at nanatili ang tatlong segundo agwat nila ng nagdedepensang kampeon na si Galedo (7:07:34).

“Nasa malaking peloton lang ako. Hindi na humabol kasi wala naman aagaw sa mga nasa unahan kaya okay lang na lumayo sila,” ani ni Galedo.

Nabawasan ng title contender sa apat na araw na karera dahil ang 2013 champion na si Ghade Mizbani ng Tabriz Petrochemical team ng Iran ay hindi nakatakbo dahil sa pananakit ng tiyan.

“Hindi pa rin tayo nakakasiguro iyong iba dyan ay naghihintay lang ng pagkakataon na umatake. Tulad pa rin ng dati, bantay lang bukas at dapat lagi may tao sa unahan,” dagdag ng 29-anyos na national rider.

Ang kauna-unahang Filipino cyclist na nanalo sa karerang ito na si Baler Ravina ang nagdala sa 7-Eleven Road Bike Philippines nang kunin niya ang dalawang King of the Mountain na pinaglabanan para tumapos sa ikaanim na puwesto sa 3:50:19.

Nakatuwang ni Ravina sina Felipe Marcelo at Spanish rider Angel De Julian Vazquez para pumangalawa ang koponan sa Team Novo Nordisk sa Team Classification upang agawin na rin ang overall team classification sa Attaque Team Gusto tangan ang 21:27:20.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magpapatuloy ang karera ngayong umaga sa paunahan hanggang Lingayen, Pangasinan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending