Michael Pangilinan bawal pang gumawa ng movie at teleserye | Bandera

Michael Pangilinan bawal pang gumawa ng movie at teleserye

Jobert Sucaldito - February 03, 2015 - 03:00 AM

michael pangilinan
LEFT and right ang mga shows this month. Kasi nga LOVE MONTH ang February kaya ang daming magagandang shows na naka-line-up sa bawat concert venue sa bansa.

Hindi lang naman sa atin punumpuno ang mga bars tuwing February, di ba?  All over the world ay siniselebreyt ang Valentine’s Day, di ba? Lahat kasi ay marunong umibig kaya hayun, para siyang Pasko.

Ha-hahaha! Pasko ng mga Puso kaya ito. Kami naman ay hindi rin pahuhuli. Nag-produce ako ng intimate pre-Valentine concert para sa baby nating si Michael Pangilinan sa Teatrino (Promenade, Greenhills) come Feb. 11 at 8:30 p.m. entitled “Come Sing With Me” kasama ang kaniyang mga guests na sina Morisette Amon, Pangga Duncan Ramos and Ms. Malu Barry (The Torch Queen). Musical director is Tito Butch Miraflor na tutugtugan si Michael using a baby grand piano.

Wow! Sosyal na si Michael – baby grand piano na ang mag-a-accompany sa kanya and formal-formalan siya rito dahil Valentine’s presentation nga ito at maraming love songs and dapat niyang kantahin.

Pero of course, nandiyan pa rin ang mga tatak-Michael na songs like “Rude”, “Thinking Out Loud”, “All Of Me”, “Kung Sakali” at “Pare, Mahal Mo Raw Ako”.

“May gagawin akong surprise sa show, ‘Nay!” bulalas ni Michael sa akin. I asked him kung ano iyon pero ayaw naman niyang sabihin.”Baka maghubad si Michael, di kaya?” biro naman ni kaibigang Edgar Gomez na isa ring baliw at kalahati.

Tawa kami nang tawa sa kalokohan ni Edgar. Naku, ayokong seryoshin ang sinabi ni Michael na meron siyang surprise na gagawin sa show. Kung anuman iyon, panoorin na lang natin siya sa Teatrino sa Feb. 11.

Siyanga pala, nais naming pasalamatan ang mga presenters ng show – sina Isabela Gov. Bojie Dy, Vaniderm, Lucida-DS, NaturalezaBiz and Belo Medical Group.

Nandiyan din ang mababait nating major sponsors, Hannah’s Beach Resort (Pagudpud, Ilocos Norte), Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Sutla Whitening, Erase Placenta, Mayor Boy and Precy Cruz of Guiguinto, Bulacan, Papa Neal Gonzales, Mama Lily and Daddy Henry Chua and Ms. Chaye Cabal-Revilla.

Maraming salamat din sa napakaraming patrons na patuloy na sumusuporta sa mahal nating baby, ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala nating si Michael Pangilinan and sa kaniyang mga fans lalo na sa Michael’Overs na super-tutok sa kaniya.

Galing nila, updated sila sa lahat ng events ni Michael. Sa totoo lang, we are very thankful that everything is falling into its right places for Michael. He has so many shows now – nakakatuwa dahil left and right ang bookings nila for him.

Tulad ngayon, magte-taping na uli siya KrisTV. Sa Feb. 4 ay nasa Quezon Province siya for a show sa imbitasyon ni Cong. Aleta Suarez. Sa Feb. 8 ay nasa Sta. Rosa, Laguna siya at sa Feb. 9 and 10 ay rehearsals niya for his pre-Valentine concert sa Teatrino. Come Feb. 11 ay concert na niya at kinabukasan ay takbo siya ng La Union for a guesting.

Sa Feb. 13 ay lilipad siya patungong Bacolod para mag-guest sa fiesta ng Bago City. At sa mismong Feb. 14 ay nasa Koronadal, South Cotabato for a hotel show.

Sa Feb. 15 ay guest sila ni Brian Santos sa MOR 101.9 at 9 to 12 p.m. para sa promo ng isang malaking event. Feb. 21 ay nasa Bacolod ulit kami for a special charity show with Ms. Token Lizares, Marion Aunor and Ate Gay. Feb. 22 ay nasa Alabang siya for a school event.

And so on and so forth. Daming events ni Michael this month kaya ganoon na lang ang pagpapasalamat namin sa inyong lahat dahil if not for you ay walang mangyayari sa singing career ni bagets.

Naka-sked na ang Canada and US tour nina Michael, Marion and Ate Gay sa June onwards. He will be doing a major musical play this July to be presented sa iba’t ibang schools sa Luzon.

Nira-rush naman namin sa kasalukuyan ang second album niya to be co-produced by Star Records and Erase Placenta ni kaibigang Louie Gamboa.

Para sa mga nagtatanong kung gagawa na rin ng movie o teleserye si Michael – a big NO muna. Hindi pa puwede si Michael sa acting-actingan. Tama na munang mag-singer siya.

Pag sikat na siya (kung may awa ang Diyos) ay tsaka ko na lang siya papayagang mag-artista once in a while. Huwag muna ngayon. Hindi niya kakayanin. Tigilan ako, ‘no!

Kasi nga, gusto talaga ni Michael na mag-artista at meron kaming pending offers pero alam kong hindi pa talaga handa si bagets sa ganoon. Okay na yung singer na muna siya – tsaka na iyan pag puwede na.

Huwag tumulad sa iba na confused sa gustong gawin sa showbiz. Hindi alam kung mag-aartista o magsi-singer. Mahirap nang mabantilawan ang career, ‘no! Mag-concentrate na muna kako sa singing bago mag-isip ng kung anik-anik. Tama?

Kaya good luck na lang muna sa singing career mo, anak. Ang kailangan mo ngayon ay magpaganda ng katawan at mag-aral pa ng maraming kanta para lalong dumami ang materyal mo.

“Hindi na nga ako nakaka-gimmick masyado kasi may mga biglaang shows minsan. Ako rin kasi ang nahihirapan pag kulang ako sa tulog. Mabuti na yung busy kaysa nakatengga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabuburyong ako pag wala akong trabaho. May pinag-iipunan kasi ako, may gusto akong bilhin at mukhang mabibili ko na ito this year,” ang excited na banggit ni Michael sa akin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending