Naghahanap ng mapapangasawa (2)
Sulat mula kay Charinah ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Problema:
1. Sa edad kong 36 nararamdaman kong nagkaka-edad na ako pero until now wala pa akong stable na relationship. Wala akong seryosong boyfriend kaya nais ko sanang patingnan sa inyo ang aking kapalaran kung kailan ako magkaka-boyfriend ng seryoso at totohanan. Sa limang magkakapatid nagkataong ako pa ang panganay ako na lang ang walang asawa.
2. Kaya kung ako lang ang masusunod gusto ko na sanang mag-asawa. Kailan kaya ako makapag-aasawa at pag nakapag-asawa ako magiging maligaya kaya ang papasukin naming pamilya? December 16, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Charinah ng Gen San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing siguradong magkakaroon ka ng seryosong boyfriend hanggang sa tuluyang makapag-asawa, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking pang habang buhay mong makakasama ay isinilang sa petsang 2, 11, 20, o kaya’y 29, na nakatakda mong makilala sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Marso at tuluyang namang mabubuo ang inyong relasyon sa taon ding ito ng 2015 sa buwan naman ng Hulyo.
Luscher Color Test:
Sa unang pagtatagpo ninyo ng lalaking makakasama mo habang buhay ikaw ay nakasuot ng kulay na pula, habang siya naman ay nakaberde. Ito ang palatandaang ang nasabi na ngang lalaki, na medyo malaki ang katawan ang magiging first and last boyfriend mo hanggang sa tuluyan mo na ring mapapangasawa.
Huling payo at Paalala:
Charinah ayon sa iyong kapalaran ang lalaking magiging seryoso at totohanang boyfriend ay kasalukuyang nagtatrabaho sa ibayong dagat at sa buwan ng Marso darating siya sa Pilipinas upang kayo ay magkita. Lilipas ang humigit kumulang sa limang buwan, pagdating ng Hulyo tuluyan ng mabubuo ang isang mainit at romantikong relasyon na sa susunod na taong 2016, sa edad mong 37 pataas, ay hahantong na sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.