Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Okey ding magsuot ng kulay na red. Kapag nagawa mo yan, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-7 araw. Mapalad ang 4, 9, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mithi.” Bukod sa red ang green ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2015 ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Beige at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip at rason ang papaganahin, upang makamit ang kaligayahan at tagumpay. Mapalad ang 4, 6, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Laging tandaang kapag nawala ang mga kaibigan, may isang maiiwan – ang mahal mo sa buhay. Sa lahat ng bagay tandaang walang ibang maasahan kundi ang kasuyo, mahalin mo siya ng walang pag-aalinlangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan – simulant mo na ngayon! Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito ng 2015 sa pag-ibig at pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkaka-galit lang kayo. Sumunod ka sa kanya upang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Paglaanan ng maraming oras ang mga bagay na mapagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om-Vedanta.” Green at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay! Simulan mo ng mag-savings, habang maalwan ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Om-Purana.” Magenta at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag maging tamad! Dagdagan mo ang pagsisipag upang lalong umunlad. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang muli mo siyang mauto. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Silver at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa taong ito darating ang magandang kapalaran at mangyayari iyan kung uugaliing mag suot ng kulay na pink, red at lavender. Sa nasabing kulay mas madali kang magkakamit ng magagandang mga kapalaran. Mapalad ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Krisna-Om.”
Capricorn – (December 22 – January 19)—Susuwertehin ka sa pananalapi. Ngayon palang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera na nakatakda ng dumating. Sa pag-ibig wag kakalimutang balatuhan ang kaibigang Taurus. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Wag magtataray, dahil sa bandang huli tatarayan ka rin ng kapalaran. Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang binabalak na lakad. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ng suwerte. Sa pag-ibig at pinansyal, nagiging keso lamang ang gatas, kung lundag ng lundag at ikot ng kot ang nakalublob na palaka sa timba. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. White at silver ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.