P-Noy ang daming kaartehan; Kris napahiya sa madlang pipol | Bandera

P-Noy ang daming kaartehan; Kris napahiya sa madlang pipol

Ambet Nabus - February 02, 2015 - 03:00 AM

noynoy krisd  aquino
HINDI pa rin humuhupa ang galit ng netizens sa pagbatikos kay Pangulong Noynoy, idinamay na rin nila ang mga kapatid nito lalung-lalo na si Kris Aquino.

Marami pa ring mga sinasabi ang sambayanan at kung saan man ito hahantong ay siya nating ihahatid sa inyo sa mga susunod na pagkakataon. Basta for now, panay din ang tanggol at depensa ni Kris sa kanyang pamilya.

Very evident nga ang pagiging mayayabang at mapagtanim ng mga ito na tila na-time warped sa isang panahon na gusto lang nila ay sila lang ang nasusunod sa bawat pagkakataon.

Hanggang ngayon kasi ay ikinababaliw pa namin ang kuwento tungkol sa uri ng bulaklak (take note mga Ka-BANDERA) na gusto lang makita ni P-Noy sa lamay ng 42 bangkay na dinala sa Camp Bagong Diwa.

Sa gitna ng lahat, mas dapat pang gawing priority yun dahil lang sa may allergy ang Pangulo ng bansa sa bulaklak? Eh paano pa yung mga lugar kung saan daw siya dapat na mag-smoke dahil hindi umano keri ng Pangulo na magtagal ng isang oras sa isang lugar without puffing a cigar? At dapat nasa malamig o mahanging lugar pa siya ng lagay na iyan, ha!

At kahit ano pa ngang pagdepensa ang gawin ni Kris hinggil sa asal ng kanyang kuya, at kahit manakot pa sila ay minarkahan na sila ng sambayanang nakasaksi at nakabantay noon pa man sa mga kakaiba nilang gawi sa publiko, na para bang pinalaki nga silang pareho ng parents nila na may sariling kaharian at mundo!

At sa lagay na iyan eh tayo ang dapat mag-adjust dahil mga “piniling lahi” sila sa kanilang pakiramdam. Hello naman!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending