UNA, ininsulto ang bansa ni Mar Roxas nang tawagin niya ang pamamaslang sa 44 SAF men na “misencounter.” Ikalawa, tila pusa na nasukol na sa pader at wala nang masusulingan nang aminin ng estudyanteng anak nina Ninoy at Cory na alam niya ang palpak na paglusob sa Tikanalipao, Mamasapano, Maguindanao, pero ayaw pa ring aminin na siya ang nag-utos bagkus ipinasa sa mga korte ang sisi, na siyang nagpalabas ng warrants of arrest sa teroristang Marwan.
Una, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nagsi-nungaling si Roxas nang sabihin niya na hindi niya alam ang paglusob ng SAF sa Mamasapano. Ikalawa, lu-mabas ang katotohanan na tau-tauhan lang si Roxas sa National Police, na ang malaking operasyon ay hawak pa rin ng suspendidong si Alan Purisima.
Bakit palagi na lang na ganoon ang Ikalawang Aquino? Sinasasal ng ubo, ubo, ubo, ubo kapag hindi tunutukoy ang totoo at tunay? Karaniwan ay nasasamid ang nagsisinungaling, na ayon sa matatanda, ay nahuhuli na nga sa pagsisi-nungaling. Ayon sa matatanda sa Santa Rosa 1, Marilao, Bulacan, kapag sinasal ng ubo habang nagsisinunga-ling ay binabatukan na siya ng panginoon dahil sa kanyang sobrang pagsisi-nungaling.
Nagngangalit ang taumbayan sa pagsigaw ng hustisya sa pinatay na mga SAF. Pero, hindi hustisya ang nasa isip nina Aquino, Teresita Deles, Franklin Drilon at Feliciano Belmonte Jr., kundi ang BBL (Bangsamoro Basic Law). At hindi pa nga pormal na ibinuburol ang mga patay ay isinusulong na nina Aquino, Deles, Drilon at Belmonte ang BBL.
Talagang walang galang at lapastangan sa patay ang rehimeng ito. Eh ano ngayon kung namatay ang taumbayan sa Yolanda, atbp. Mas itatago pa nila ang tunay na bilang ng mga namatay kesa makiramay sa mga naulila.
Noong Oktubre 2011, aabot sa 20 Scout Ranger ang pinatay nang pasukin nila ang Al Barka, Basilan. Hindi nakamit ng mga namatay ang hustisya, bagkus ay sinisi pa sila sa kanilang pagpasok sa kuta ng Abu Sayyaf, na maraming kasapi ay may mga kamag-anak din sa MNLF (Moro National Liberation Front), MILF (Moro Islamic Liberation Front), BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters), Pentagon, Lost Command, atbp.
Kung ang mga armadong Moro ay may mga kamag-anak sa halos lahat ng grupo ng gerero, bakit isang pangkat lang, ang MILF, ang kinakausap at binigyan ng pera ng gobyerno? Para sa aking paboritong pitong la-sing sa Batangas, malabo pa sa sabaw ng pusit ang
programa nina Aquino, Deles, Drilon at Belmonte.
Kunsabagay, mula kay Corazon hanggang sa anak na si Benigno Simeon ay wala talagang iginagawad na hustisya sa mga biktima ng masaker. Nakatala sa kasaysayan ang Mendiola massacre at Hacienda Luisita massacre, na matagal nang ipinaglalaban nina Jaime Tadeo at Satur Ocampo, pero dahil sa Aquino nga ang panglulo ay tengang kawali ang lagpak ng kanilang hinagpis.
Kunsabagay, may pagkakaiba rin naman si Corazon kay Benigno Simeon. Nang ratratin ang mga magsasaka sa Mendiola ay agad na nagsalita ang balo ni Ninoy. Sa kaso ng Mama-sapano massacre, inabot ng tatlo-apat na araw bago nagsalita si Benigno Simeon. Sa kaso ng Hacienda Luisita massacre, dedma pa rin.
Ayon sa isang miyembro ng SAF, piling-pili ang mga pulis na isinama sa Mamasapano. Ito’y pinili ni Getulio Napenas Jr., at inirekomenda’t inaprubahan ni Purisima, na agad namang sinang-ayunan ni Aquino. Kung gayon, hindi korte ang nag-utos sa SAF kundi si Aquino, na ipinasa lang niya sa korte.
Dadalhin ang mga sundalo’t pulis sa bangin ng bakbakan ni Aquino at malinaw iyan sa naganap sa Mamasapano. Sanggang-dikit na ni Aquino ang MILF, pero ang kanyang kaibigan ang nagkakanlong kay Marwan, ang wanted na terorista ng mga korte at Amerika.
Nakapagtatakang labis ang pagtitiwala ni Aquino sa MILF, gayung hindi sinasabi ng kanyang mga kaibigan na nasa bakuran lang nila ang wanted, at mga wanted, na teroristang miyembro ng Jemaah Islamiya, na ang pusod ay karugtong ng Al Qaida. May kasabihan sa Ingles: “tell me who your friends are and I’ll tell you…”
Sayang at di narinig ni Aquino ang text messages ng mga nakikinig sa mga istas-yon ng radyo sa Cebu City. Para sa kabatiran ni Aquino, wala siyang kakampi rito. Umaga’t gabi noong Lunes at Martes ay binanatan at halos murahin si Aquino; at sa isang istasyon ay may saliw pa ng kantang “Estudyante Blues” habang binabasa ng announcer ang nagngangalit na mga text messages.
Nagtataka ang isang texter kung bakit mas lalong dumami ang malalakas na kalibre ng baril sa ARMM (Autonomous Region in Musmil Mindanao) gayung patapos na ang termino ni Aquino. Na ang ibig sabihin ay bukod sa bigo siyang disarmahan ang magugulo’t terorista ay dinagdagan pa raw niya ang mga armas ng kalaban sa pamamagitan ng ayudang pera.
Si Corazon ay hindi nakikinig sa payo ng taga-labas, lalo pa’t “unsolicited advice.” Kaya ang payo’t pahayag nina Fidel Ramos at Joseph Estrada ay papasok sa tenga at agad na lalabas sa kabilang tenga. Para kay Ramos, pabagu-bago ang isip ni Aquino, na tila babae. Para kay Erap, matagal na niyang pinulbos ang MILF.
Ito namang sina Alan Cayetano at JV Ejercito, nag-withdraw sa pagkakalagda sa pagsusog sa BBL pagkatapos ng masaker sa Mamasapano. Bakit sila lumagda nang hindi binabasa ng buo ang balangkas na BBL? Ginaya ba nila ang mga lumagda sa impeachment ni Renato Corona nang di binabasa ang balangkas?
Itutuloy ng mga kaalyado ni Aquino sa lehislatura ang pagpasa ng BBL. Kilala ng bansa ang mga kaalyadong ito, na bayaran at sinuhulan sa usaping Corona at RH bill. Mga magnanakaw na ng pera ng arawang obrero ay suhulan pa.
Maraming dating sundalo’t pulis sa Kamara ang nagpahayag ng kanilang reaks-yon sa Mamasapano massacre. Susme naman. Bakit ang lalamya ng mga reaks-yon ninyo? Yung isa ay isusulong pa rin ang BBL.
Hindi makatutulong ang inyong malalamyang reaks-yon. Ang kailangan ay matigas na paninindigan. Noong kayo ay nasa serbisyo pa ay matitigas kayo. Bakit kayo nagbago?
Hindi porke’t party list ang kinaaaniban ng mga dating pulis ay kimi na ang kanilang tinig. Nakapagtataka na walang galit ang nababakas sa kanila gayung ang mga naulila’t taumbayan ang galit na. Lumabas naman kayo para makita ang dumaraming itim na laso sa presinto’t kalye.
MULA sa bayan (0906-5709843): Ako po’y naholdap habang sakay ng taxi sa may Feria Compound, Commonwealth ave., Quezon City. Hindi na ako nagsumbong sa pulis dahil lumang cellphone at P450 lang ang nakuha sa akin. Please print my text para mabasa ng lahat. Walang pulis na nagpapatrolya sa Commonwealth ave. …5089
Hindi nagbababa ng pasahe ang tricycle at pedicab dito sa Santa Ana (Maynila), gayung mababa na ang presyo ng unleaded sa may simbahan. Itinawag na naming ito sa City Hall pero wala pa ring aksyon. …1876
AKO’y dating pulis at taga-Parang, Maguindanao. Ipaabot po ninyo ang aking pakikiramay sa pamilya ng mga opisyal na nagtapos sa PNPA. Corpus. …6734
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.