Pacman ginamit sana si Miss USA para ipahiya si Mayweather
TAWA kami nang tawa sa isang blog na nabasa namin hinggil sa tanong ni Manny Pacquiao sa kandidata ng USA sa katatapos lang na Miss Universe 2014.
Mas bongga at naging kontrobersyal daw sana ito kung hinayaan ng Miss U organizer na gumawa ng sarili niyang tanong ang kilalang Pinoy boxer sa buong mundo.
Sey pa ng nagkomento, “Chance na sana ni Pacman na panindigan ang tapang at yabang niya sa paghahamon kay Mayweather. Mas makahulugan sana kung kinuha niya ang opinyon ng Miss USA candidate sa urong-sulong na desisyon ni Floyd Mayweather sa bakbakan nila sa boxing ring.”
Doon sana niya ibinandera ang mga salitang kinagiliwan niya na ang sabi ay, “America is the home of the brave, until Mayweather came!” Ha-hahaha! Bet na bet, di ba?
Pero kung kilala nga natin si Pacman, hinding-hindi nito magagawang ipahiya ang kahit na sino. Pero agree kami sa comments ng marami nating kababayan na winner na winner siguro muli ang Pilipinas kung tungkol sa laban nila ni Mayweather ang naging tanong niya kay Miss USA. Ha-hahaha! Patola (read: patulan ba!).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.