Willie bilyones na ang nababawas sa mga naipong pera at ari-arian | Bandera

Willie bilyones na ang nababawas sa mga naipong pera at ari-arian

Jobert Sucaldito |January 28,2015
facebook
share this

Willie bilyones na ang nababawas sa mga naipong pera at ari-arian

Jobert Sucaldito - January 28, 2015 - 03:00 AM

willie revillame
ILANG buwan ko na bang nababasa at naririnig that my “best friend” Willie Revillame will start a new show sa GMA 7 anytime.
Yung anytime na iyon ay ilang buwan na ring lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas. Ha-hahaha! ‘Anyare? Inip na inip na ako, ha!

Kidding aside, kasi nga nagkabati na kami ni Willie – for everyone’s info po – we may not be the best of friends pero everything is alright na between the two of us. Ibaon na lang natin sa limot ang malagim naming kahapon. Ha-hahaha!

Pero ano na ba ang nangyari sa nabalitang show niya sa GMA 7? May problema pa ba? Di ba’t nag-float na lilipat na siya ASAP! No, hindi sa ASAP ng ABS-CBN, we mean as soon as possible.

Ha-hahaha! Ngayon ay sinasabi na naman nilang sa February na raw. Sige nga, maghihintay ako – ilang tulog na lang at February na, sana maging totoo na ito.

Kasi may feeling ako – without being negative – na parang hindi pa rin ito masisimulan this February. Hindi ako manghuhula ha, pero malakas ang kutob kong hindi pa ito matutuloy next month.

Maybe later, kung kailan, I don’t know. Hindi ko po kamag-anak sina Atty. Felipe Gozon at Papa Jimmy Duavit, ‘no! Marami pang chika about Willie Revillame. Sobrang laki na raw talaga ng natapyas sa yaman nito.

Bilyon na raw ang natsugi. Yung ibang malalaking properties nito ay naibenta na niya, wala na rin daw yung private plane niya – a lot of his luxury cars daw went pffft na rin.

Yung ibang mga bahay daw nito ay nabenta na rin. Ang idinadahilan daw ni Willie ay mahirap daw i-maintain ang mga ari-ariang ito. Sure? Iyon ba talaga ang reason?

O, di sige, ayaw naming mag-isip otherwise. Let’s respect his reasons. Bakit? Properties naman niya iyon kaya bakit pa tayo makikipag-diskusyon with him, di ba? Ha-hahahaha!

But mind you, his new hotel sa Tagaytay ay malapit na ring matapos daw. That’s good. Bago pa man maubos ang kadahtungan ni Willie Boy ay meron siyang at least isang malaking property being built.

Kaysa mauwi sa wala ang lahat ng kinita niya. That’s a very wise decision for him, ang magpatayo ng hotel para dumating man ang panahong life would be harder or tougher, nakasisiguro na siyang mabubuhay pa rin siya like a prince. Good luck then.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending