Special day, special pay | Bandera

Special day, special pay

Liza Soriano |January 28,2015
facebook
share this

Special day, special pay

Liza Soriano - January 28, 2015 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po. Ako po ay isang manggagawa sa pabrika dito sa Valenzuela City. Nais ko po sanang itanong kung ano po ang kalakaran sa pagbabayad sa mga trabahador na tulad ko na pumasok nung panahon na nandito ang Santo Papa.

Bale, tatlong araw po ang idineklara na non-working holiday subalit kailangan daw po na pumasok kami dahil maaapektuhan ang aming produksyon. Double pay po ba ito? Sana ay mabigyan n’yo ng linaw ang aking katanungan.

Salamat po.
Maricar

REPLY: Idineklara ni Pangulong Aquino ang apat na araw na special non-working holiday ang pagbisita sa bansa ni Pope Francis, head ng Vatican at pinuno ng Catholic Church sa buong mundo.

Kung ang deklarasyon ng Pangulo ay “by virtue of his executive order” ay special non-working holiday, saklaw ito ng “no work, no pay policy.”

Ang manggagawa na hindi nagtrabaho sa espesyal na mga araw o special days ay hindi makatatanggap ng anumang bayad.

Pero kung ang isang manggagawa ay nagtrabaho o pinahintulutang magtrabaho sa special day, dapat siyang bigyan nang hindi bababa sa 30 porysento base sa kanyang regular na sahod o kabuuang 130 porysento.

Kung ang manggagawa naman ay nagtrabaho sa special days o pumatak sa araw ng kanyang pahinga o rest day, siya ay babayaran ng karagdagang 50 porysento ng kanyang regular na sahod o kabuuang 150 porsyento.
Commissioner
Dave Diwa
National Wages and Productivty
Commission (NWPC)
DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending