Jennylyn, Raymart posibleng maging magdyowa; pinag-iingat kay Claudine | Bandera

Jennylyn, Raymart posibleng maging magdyowa; pinag-iingat kay Claudine

Ervin Santiago - January 27, 2015 - 03:00 AM

raymart santiago
PATULOY na umiinit ang mga eksena sa umaaribang GMA Telebabad series na Second Chances nina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago.

Magaganda ang nababasa naming review mula sa mga manonood, hindi raw nila inaasahan na magiging interesting ang muling pagtatambal nina Jen at Raymart na unang nagkasama noon sa seryeng Footbolilits ng Kapuso network.

May nagsabi pa nga na hindi imposibleng magkagustuhan sa tunay na buhay ang dalawang Kapuso stars, bagay naman daw sila pero ayon sa ilang netizens, mag-ingat na lang daw si Jen kay Claudine Barretto. Ha-hahaha!

Naniniwala kami na lahat ay posibleng mangyari sa mundong ito, lalo na sa love. Kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay magkadebelopan sina Jen at Raymart dahil sa madadrama at intimate scenes nila sa Second Chances.

At agree rin kami sa ilang netizens na kung sakaling magkatuluyan ang dalawa, tiyak na magre-react si Clau-Clau.
Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Second Chances, bubuksan na sana ng mga lalake ang cabinet na pinagtataguan ni Lyra (Jennylyn) pero dumating ang asong si Phantom at handang lapain ang dalawa kaya agad tumakas ang mga lalake.

Relieved si Lyra. Darating naman si Bernard (Raymart) para i-comfort siya. Nang magising si Jerome (Rafael Rosell) at malamang may missed call si Lyra ay agad itong nagbihis at iniwan si Mariel sa kama.

Dahil wala sa mansion sina Federico (Roi Vinzon), Rebecca (Camille Prats) at Daryl (Miggs Cuaderon) ay nag-offer si Bernard na sa kanila muna tumuloy si Lyra para makapagpahinga habang iniimbestigahan ang nangyari sa bahay niya.

Pagkapahinga ay ipinagluto pa ni Lyra ng pancakes sina Bernard at Billy (Joshen Bernardo) bago siya umalis papunta ng Vet clinic.Daratnan ni Lyra si Jerome sa Vet clinic kausap si Penny (Frencheska Farr).

Tatanungin ni Jerome si Lyra tungkol sa nabalitaan niyang pinasok ang bahay niya at pati na rin ang tungkol kay Bernard. Fishing si Jerome pero sasabihin naman ni Lyra na kaibigan niya lang si Bernard. Convinced naman si Jerome.

Family Day sa school nina Billy at bukod kay Bernard ay kailangan din daw ng mommy kaya tinawagan niya ang Tita Colleen (Chynna Ortaleza) niya (kapatid ni Denise) pero dahil answering machine lang ang sumasagot ay si Lyra ang sinuggest niyang isama.

Malugod namang pinagbigyan ni Lyra ang request ni Billy. Masaya at game na game na nagparticipate sina Bernard, Billy at Lyra sa Family Day na mistulang totoong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinapunta ni Alyssa si Federico sa opisina nang dumating ang DNA result. Gulat at nalungkot si Federico nang buksan at makita ang result: hindi niya apo si Daryl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending