'Wala namang dahilan para po mag-away kami' | Bandera

‘Wala namang dahilan para po mag-away kami’

|April 29,2012
facebook
share this

‘Wala namang dahilan para po mag-away kami’

- April 29, 2012 - 04:33 PM

KATHRYN, JULIA patutunayang di mga inggitera

Muling mapapanood nang magkasama sa TV ang leading ladies ng mga seryeng Princess And I at Walang Hanggan na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ngayong gabi sa Sarah G. Live!

Dito patutunayan ng dalawang bagets na walang namamagitang iringan o inggitan sa kanila.

Kayo na ang humusga kung totoo ngang may gap sa pagitan nina Kathryn at Julia.

At tulad nga ng lagi nilang sinasabi, masaya sila sa accomplishments ng isa’t isa at walang dahilan para mag-away sila.

Napapanatili nila ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga intriga.

Bukod kina Kathryn at Julia ay join din sa programa ang real-life showbiz couples na sina Bugoy Drilon at Liezel Garcia, Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, at ang PGT Season 2 grand winner na si Marcelito Pomoy. Samantala, may bagong adventure si Sarah sa “Sige Go” segment kasama si Paulo Avelino bilang guest co-host.

Kasama muli ng Popstar ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, co-host Luis Manzano at director Erick Salud.

Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, ang Sarah G. Live!, pagkatapos ng Rated K.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending