Halatang imbiyerna si Aiza Seguerra sa ex-girlfriend niyang si Chen Sarte.
Hindi niya nagugustuhan ang pagpapa-interview ni Chen sa ilang press tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Ayon kay Chen, wala naman daw third party sa break-up nila ng singer at hindi raw totoo na isang baguhang singer ang sumira sa kanilang relasyon.
Ayon naman kay Aiza, hindi raw tama na nagsasalita pa si Chen tungkol sa personal nilang buhay.
Though, tapos na nga naman ang relasyon nila, e, medyo nakaka-offend lang daw na dakdak nang dakdak itong si Chen samantalang siya ay nananahimik na.
Sa isang interview kay Aiza, sinabi nitong, “I honestly think that things like these shouldn‘t be made public so I don‘t know bakit siya nagpapa-interview kung saan-saan about it.
“I‘d rather keep my private life private at ayokong palakihin ang mga issue na hindi naman dapat palakihin,” sabi pa ng singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.