Maine, Aiza, Rochelle, Ryzza, Baste forever baby ng 'EB': Family tayo! | Bandera

Maine, Aiza, Rochelle, Ryzza, Baste forever baby ng ‘EB’: Family tayo!

Ervin Santiago - August 20, 2017 - 12:01 AM


NANANATILI pa ring number one sa ratings game at sa puso ng mga Pinoy ang longest-running noontime show sa Asia, ang Eat Bulaga.

Sa loob ng maraming taon, nakapag-introduce na ang Eat Bulaga ng ilan sa mga pinakamalalaki at matitingkad na pangalan sa showbiz, kabilang na ang dating child star na si Aiza Seguerra.

Tatlong taong gulang pa lamang ang singer-songwriter (now a public servant) nang sumali ito sa Little Miss Philippines (1987). At kahit na hindi pinalad na manalo, nagsilbi itong hagdan para siya’y makilala bilang child wonder.

“Sila ang pundasyon ko,” saad ni Aiza. Aniya, naging pangalawang tahanan niya ang EB sa halos isang dekada.

Sey pa ng National Youth Commission chairperson, utang niya sa Bulaga ang kanyang karera, “Kung ano ako ngayon, kung paano ako magtrabaho, malaking bagay ang EB doon.”

Isa pa sa mga naging produkto ng EB ay ang dancer-turned-actress na si Rochelle Pangilinan. Nagsimula bilang regular dancer ng show noong 1997 at makalipas ang ilang taon, naging leader ng SexBomb Girls hanggang sa nagkaroon na rin ng sariling drama series sa GMA, ang Daisy Siete.

Makalipas ang mahigit 15 taon, nagdesisyon si Rochelle na pasukin na rin ang mundo ng pag-arte, “Sila ang dahilan kung bakit ako nakaahon sa buhay. Binigyan nila ako ng oportunidad na hindi ko ine-expect. Tinuruan nila ako na maging professional. Mararamdaman mo sa kanila na may pamilya ka.”

Sa ngayon, ang Eat Bulaga ay patuloy pa rin sa paghasa sa mga bagong artista. Maliban kay Ryzza Mae Dizon at Sebastian Benedict o mas kilala bilang Baeby Baste, parte pa rin ng show ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza. Nandiyan din sina Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Kim Last, Tommy Penaflor, John Timmons at Joel Palencia, o mas kilala bilang That’s My Bae.

Ayon kay Jeny Ferre, creative head ng EB, isang napakalaking karangalan na maging parte ang show sa paghubog ng bagong talents.

“You feel proud because you see them from before na punumpuno ng pangarap. Then now, nakikita mo na sila sa teleserye. Kung sila may pangarap, mas mataas ‘yung pangarap namin para sa kanila. At masaya kaming nakikita na natutupad nila ‘yung mga pangarap na ‘yun,” aniya.

Naniniwala rin ang TV executive na naging epektibo ang Eat Bulaga sa pag-produce ng mga bagong artista dahil na rin sa ibinibigay nilang first hand experience sa hosting at gabay sa pagbibigay saya sa manonood.

Para naman sa unprecedented success ni Maine, ayon kay Jeny, alam niya na may espesyal sa dalaga mula nang maging viral sa internet ang mga dubsmash videos nito, ngunit hindi niya ini-expect na lilikha ito ng matinding marka sa showbiz.

Dagdag pa nito, ang success ng programa at ng kanilang mga artista ay isang malaking motibasyon para mas pagandahin pa ang EB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending