Aiza 3 taon nang kasal kay Liza: Napakaswerte ko na ikaw ang asawa ko!
MAS tumibay pa at mas naging exciting ang married life nina Aiza Seguerra at Liza Diño makalipas ang tatlong taon bilang mag-asawa.
Ayon kay Aiza, napakarami mang nagbago sa buhay nila ni Liza, nananatili pa rin ang matinding pagmamahal nila para sa isa’t isa. At kahit na nga mas naging busy sila sa kanilang respective career, kabilang na ang pagiging public servant, sinisiguro pa rin nila na nabibigyan nila ng quality time ang kanilang relasyon.
Si Aiza pa rin ang chairperson ng National Youth Commission habang tuluy-tuloy naman ang pagsisilbi ng kanyang asawa bilang head ng Film Development Council of the Philippines.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Aiza ng madamdaming anniversary message para kay Liza kalakip ang litrato nila na kuha sa kasal nila sa California three years ago.
Aniya, “You can be sure that even if things are quite different now, my love for you will grow more and more. Mas miss lang kita ngayon pero mas naa-appreciate ko yung time na nakakasama kita more than ever.
“Alam ko rin kung gaano ka kasaya at fulfilled sa ginagawa mo ngayon. Basta nandito lang ako whether you feel like you’re at your highest especially when you’re at your lowest.
“If the world feels too much for you, you can always come back to me and I’ll be here, ready to listen and embrace you with all my might. You are my bestest friend in the world and I am so blessed that you are my wife,” pahayag ni Aiza.
Ito naman ang naging tugon ni Liza, “Excited to spend this wedding anniversary weekend with you my love. Miss na miss na miss na miss na miss na kita.”
Samantala, mukhang hindi na muna yata matutuloy ang matagal ng plano nina Aiza at Liza na magkaroon ng sariling anak. Bukod nga sa napakamahal ng prosesong dapat nilang gawin, e, wala pa silang panahon para rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.