Tama lang ang ginagawang marespetong pag-iwas ni Rayver Cruz kapag tinatanong siya tungkol sa kontrobersiyal na away ngayon nina Ara Mina at Cristine Reyes.
Una ay dahil lalaki siya, mahalay tingnan sa isang tulad niya ang pakikisawsaw sa ganito katinding away, kahit pa meron naman siyang dahilang gawin ‘yun dahil kay Cristine.
Ikalawa ay dapat lang siyang magdamot sa mga pahayag, mahirap na, sa tindi ng kanegahan ngayon ni Cristine ay baka mahawa pa siya.
Negang-nega ngayon ang imahe ng dalaga, suyurin man natin ang lahat ng pahayagan ay walang kumakampi kay Cristine sa away nila ni Ara, sino nga ba naman kasi ang kukunsinti sa kabastusang ginawa nito sa kanyang ate?
Bakit kaya hindi matanggap ni Cristine na nauntog na sa katotohanan si Rayver Cruz?
Bakit kaya pinagtatakpan pa nito ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa? Bakit hindi maamin ni Cristine na tapos na ang lahat-lahat sa pagitan nila ng guwapong actor?
Matindi ang inabot ngayon ni Cristine.
Wala na ang kanyang boyfriend, ka-laban pa nito ngayon ang kanyang pamilya.
Saang kangkungan na ngayon pupulutin ang bastos na babaeng ito?
Hanga kami kay Rayver Cruz dahil napakarami niyang puwedeng sabihing laban o tungkol sa kanyang ex, pero hindi niya ‘yun ginagawa, ayaw na niyang makidagdag pa sa kanegahang inaabot ngayon ni Cristine Reyes.
Tama ‘yun, hindi man siya magsasalita ay bigay na bigay na rin ang mga dahilan kung bakit kailangan na niyang makipaghiwalay sa babaeng akala niya’y kilala na niya, pero hindi pa rin pala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.