Makakabayad na ba ng utang ngayong 2015? (2) | Bandera

Makakabayad na ba ng utang ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield |January 24,2015
facebook
share this

Makakabayad na ba ng utang ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield - January 24, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Tessie  ng Alfaro St., Tetuan,
Zamboanga City
Problema:
1.      May maliit  kaming tindahan sa ngayon. Ang problema malapit ng maubos ang laman, dahil tadtad kami ng mga pagkakautang. Nagta-trabaho ang mister ko sa isang sangay ng gobyerno pero maliit lang din ang kanyang suweldo habang ako naman ay nandito lang sa bahay at nagtitinda.
2.      Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa taon bang ito ng 2015 maka-kabayad na kaya kami sa mga pagkakautang at malalagyan kaya uli namin ng laman itong maliit na tidahan namin? Sa tindahan lang kasing ito  halos kami umaasa sa aming ikinabubuhay? May maipapayo ba kayong paraan para makabayad kami sa mga pagkakautang para umunlad na ang aming buhay? May 5, 1979 ang birthday ko at January 8, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Tessie ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing tugma at compatible kayo ni mister. Ibig sabihin basta’t patuloy na nagmamahalan at nagnenegosyo ang pamilya, darating at darating din ang panahong uunlad ang inyong tindahan hanggang sa tuluyan kayong yumaman.
Numerology:
Bukod sa Astrology compatible din ang birth date mong 5 sa birth date na 8 ng mister mo. Ibig sabihin kapag lagi kayong magkasama sa pagnenegosyo, sigurado na ang magaganap, uunlad at ang in-yong kabuhayan, kung saan, bukod sa tindahan, isa sa in-yong mga anak o isa sa inyong mag-asawa ang inaasahang makapag-aabroad ngayong taong ito ng 2015.
Luscher Color Test:
Sa pag-aaplay sa abrod, kung sino man ang susubok sa inyong pamilya, panatiliin lamang ang pagsusuot ng kulay na pula o kaya ay puti. Sa ganyang kulay at kasuotan mas madaling mapipitas ng inyong pamilya ang suwerte at magandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Tessie ayon sa iyong kapalaran at sa kapalaran na rin ng inyong pamilya, wala ngang mangyayari kung maghihintay lang kayo ng suwerte, sa halip, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, kailangang may makapag-abroad sa inyong pamilya at kusa namang mangyayari ang nasabing pagaanalisa sa taon ding ito ng 2015, upang ma-kabayad na kayo ng mga pagkakautang at  paglipas ng mga 5 hanggang 6 na taon pa, sa 2021, tiyak ang magaganap – magiging grocery na ang negosyo ninyong tindahan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending