Julia tumangging maghubad sa men’s magazine | Bandera

Julia tumangging maghubad sa men’s magazine

Ervin Santiago - January 22, 2015 - 03:00 AM

julia montes
Bagamat napabalitang may mainit na love scene sina Julia Montes at Gerald Anderson sa pelikula nilang “Halik Sa Hangin,” nilinaw ng aktres na hindi ito hudyat ng pagsabak niya sa pagpapaseksi.

Sa panayam ng Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong hapon sa ABS-CBN, hindi na ikinagulat ng 19-anyos na aktres kung asahan ito ng mga tao sa kanya gayong madalas siyang gumanap sa mga papel na malayo sa tunay niyang edad.

“Pagkatapos ng Growing Up na isang teen drama, at Walang Hanggan kung saan ‘yung role ko nga po doon ay may asawa na tapos nagkaroon ng anak, this time kakaibang Julia Montes naman ang mapapanood nila sa ‘Halik Sa Hangin, sensual but pero hindi naman bold na bold,” dagdag ni Julia.

Kung hindi man sa telebisyon o pelikula, pagbibigyan ba ni Julia kung sakaling alukin siyang mag-pose bilang cover girl ng isang men’s magazine?

“Wala sa isip ko po ngayon, 19 pa lang po ako kaya parang wala pa yun sa mga plano ko, ” diin ni Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending