Dyowa ng 4 na tinitiliang PBA Stars pare-pareho raw ng kinatatakutan | Bandera

Dyowa ng 4 na tinitiliang PBA Stars pare-pareho raw ng kinatatakutan

Ervin Santiago - January 21, 2015 - 03:00 AM

danica sotto
ISANG bagong putahe na naman ang handog ng TV5 para sa mga misis at mga future wife. Ang tinutukoy namin ay ang lifestyle-magazine show na Happy Wife, Happy Life.

Apat ang magiging host ng programa, sina Danica Sotto-Pingris, LJ Moreno-Alapag, Jeck Maierhofer at RR Enriquez – lahat sila ay may dyowang basketball player.

Umapir sa press launch ng TV5 para sa mga bagong shows ng network ang apat na host ng Happy Wife, Happy Life na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m..

Ayon sa asawa ni Marc Pingris na si Danica, may kani-kanya silang baon sa show na tiyak na makakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng mga kababaihan, whether they are married already or still looking for a lifetime partner.

Inamin ng apat na TV5 hosts na ang isa sa mga pinoproblema nila lagi ay ang schedule ng kani-kanilang partner dahil sa pagiging busy ng mga ito sa kanilang career bilang PBA players.

Sabi nga ng asawa ni Jimmy Alapag na si LJ, “Yung schedule, kailangan maka-adjust dun. But other than that, I mean, it’s just like any typical marriage.”

Si RR lang ang hindi pa kasal sa kanyang cager-boyfriend na si JJ Helterbrand. Aniya, wala silang masyadong problema ng kanyang dyowa, “Siguro advantage lang namin, nasa showbiz ako, so hindi na ako nasha-shock.”

Para naman kay Jeck Maierhofer, kailangan lang niyang mag-adjust sa sleeping and eating habits ng kanyang mister na si Rico, “Ako kasi prepared na ako, e.

Bago pa ako magpakasal kay Rico, si Ate Cindy (Conwi), asawa niya si Alvin Patrimonio, ‘di ba? So bayaw ko si Alvin. Sanay na ako, sinabihan niya (Cindy) ako na maaga kayong matutulog, bawal kayo gumimik.

“May mga ganyan na kami. So normal naman or sanay na ako. Kasi yung ate ko, nakita ko rin dati kung paano yung buhay nila ni Kuya Alvin. Normal pa rin naman kami.

Tama rin talaga yung mag-a-adjust ka sa schedule. “Even yung mga special events sa life ng mga anak niyo, like birthday, graduation that he cannot attend. Hindi kasi sila puwede mag-absent. It’s in the contract,” dagdag ni Jeck.

Inamin naman ng apat na isa sa mga kinatatakutan nila habang naglalaro ang kanilang mga dyowa ay ang aksidente sa court.
“Every time parang may hulog or bagsak, nakakanerbiyos talaga.

Every game, we pray na they’re okay and walang mga major injuries,” ani Danica. Sey naman ni RR, “Kapag feeling ko nasiko siya, or  hindi pinapasok, gusto ko sapukin yung coach or yung referee kung mali-mali yung ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gusto ko pumunta sa court para batuhin ko sila ng sapatos, pero nasa isip ko lang yun. Ha-hahaha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending