Kapuso singers kinawawa, naetsapwera sa pagbisita ni Pope Francis; Kris, P-Noy sinisi
Clearly, mas pinaboran ang Kapamilya singers sa nakaraang pagbisita ng Santo Papa.
Lutang na lutang ang galing ng mga Kapamilyang mang-aawit sa mga performances nila. Sina Angeline Quinto, Jed Madela, Erik Santos, Lyca Gairanod at Darren Espanto ang nagbida sa mga nag-perform.
One thing that’s common ay lahat biritero. Si Erik ay kumanta ng Responsorial Psalm sa Luneta. Napanood namin sina Angeline at Jed nang mag-perform sila sa Encounter with the Youth event sa University of Santo Tomas. Naroon din si Darren at kumanta rin.
Ang The Voice Kids winner naman na si Lyca Gairanod ay kumanta naman sa SM Mall of Asia Arena. Ang tanong tuloy ng marami, meron daw bang monopoly ang isang network sa pagdating ni Santo Papa at sila lang ang tila pinagbigyan dahil mga singers lang nila ang binigyan ng one-in-a-million chance na kumanta sa harap ni Pope Francis?
Bakit daw wala ni isang Kapuso singer na nakalusot gayong marami rin namang magagaling at competent singers mula sa GMA 7 sa pangunguna ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Ang tanong pa ng ilan, meron daw bang kinalaman si Kris Aquino at si P-Noy sa pagpili ng singers to perform before the Pope? Ganu’n? Pati ba naman ang pagkanta ng mga Kapamilya artista sa visit ni Pope ay pinakialaman na rin ni Kris? True ba ito Tetay? Please explain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.