Julia rumesbak na sa away nila ni Dennis
SA wakas, nagsalita na rin ang Kapamilya teen star na si Julia Barretto tungkol sa diumano’y pang-iisnab niya sa sariling ama na si Dennis Padilla sa isang Christmas party noong Disyembre.
Hindi man nagdetalye si Julia tungkol sa nangyari sa kanilang mag-ama, pero mararamdaman mo sa kanyang mga pahayag na nalulungkot siya sa nangyari at kahit paano’y naaapektuhan din siya ng mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng netizens.
Nauna nang ipinagtanggol ni Marjorie Barretto ang anak sa mga taong tumutuligsa kay Julia at sa mga nagsasabing ingrata at walang utang na loob ang dalaga sa kanyang tatay.
Sa kanyang Twitter account idinaan ni Julia ang kanyang mensahe tungkol sa kontrobersiya. “THANK YOU from the bottom of my heart for listening and understanding.
Thank you for not being so quick to judge and for waiting for the whole truth before speaking too soon,” ayon sa batang aktres.
“THANK YOU for defending and protecting me.
Times like these, I draw so much strength from you all and I don’t know how else to show you guys how thankful I am. I hope this message is enough. I love you all. You guys have no idea,” pagpapasalamat pa niya sa kanyang fans.
Hirit pa ni Julia, “I admire my fans’ maturity and how you handle situations like these with so much grace.” Samantala, sa kabila ng mga negatibong issue about Julia, tuloy pa rin ang pagsuporta sa kanya ng madlang pipol at sa tambalan nila ni Iñigo Pascual, lalo na sa latest project nila sa ABS-CBN, ang Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis na napapanood tuwing Linggo.
In fairness, maganda ang pagtanggap ng televiewers sa kanilang loveteam dahil mataas ang nakuhang rating ng pilot episode nila. Marami ang nagsasabi na nakatagpo na si Julia ng perfect leading man sa katauhan ni Iñigo dahil bagay na bagay nga ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.