Mga tao lang, may karapatan ding magmahalan
UMANI ng batikos ang photo ng date nina President Noynoy Aquino at Grace Lee na nabasa namin sa Facebook.
Nanood ang dalawa ng concert ni Sergio Mendes at nakunan sila ng litrato kasama ang mga bodyguard ng pangulo.
Sari-saring comment ang nabasa namin.
Marami ang bumatikos dahil bakit daw nakukuha pang makipag-date ng pangulo gayong ang daming problema ng bansa.Dapat daw ay inuuna muna ni PNoy ang mga problema ng mga mamamayan kesa ang kanyang girlfriend.
Basically, ‘yan ang mga hinaing ng ating mga kababayan.
Marami raw kasing seryosong problema ang bansa natin kaya hindi makatwiran na makipag-date ang ating pangulo sa gitna ng mga suliranin ng bayan.
Pero may naniniwala naman na karapatan ng presidente ang makipag-date.
Unang-una ay tapos na ang kanyang trabaho.
Pangalawa, choice na niya kung saan niya gugugulin ang oras niya kapag wala na siyang work.
Oo nga naman. Ano naman ang paki ng mga tao kung nakipag-date ang pangulo.
Wala na sila doon, ‘no. That is his right. Binata siya at dalaga naman si Grace kaya walang problema.
Ang mga kababayan natin talaga, walang maisip na maganda sa ating pangulo.
Krimen ba ang makipag-date? Unang-una, wala namang sinasagasaan ang dalawa kung mag-date man sila.
They’re both free. Kasalanan ba na magkagustuhan sila?
Bilang presidente, may karapatan din namang lumigaya si PNoy, ‘di ba?
Talagang walang kawala ang dalawa sa mga intriga.
Kahit saan sila magpunta ay tiyak na may mga matang nakasunod sa kanila. ‘Yan ang pangulo, nawawalan ng privacy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.