Utol ni Ka Freddie inupakan si Pope Francis, tinawag na bobo ang mga Katoliko | Bandera

Utol ni Ka Freddie inupakan si Pope Francis, tinawag na bobo ang mga Katoliko

Ervin Santiago - January 19, 2015 - 03:00 AM

marlene aguilar
“PATAWARIN siya ng Diyos sa pagtawag niya ng demonyo kay Pope Francis!”

Iyan ang nagkakaisang opinyon ng mga netizens na nakabasa sa mga ipinost na mensahe ng kontrobersiyal na kapatid ni Freddie Aguilar na si Marlene Aguilar.

Kumalat sa social media ang ginawang pambabastos ni Marlene sa Santo Papa kaya puro batikos ang inabot niya mula sa madlang pipol.

Nag-post kasi ang sister ni Ka Freddie sa kanyang Facebook account ng mga mensaheng tumutuligsa kay Pope Francis at sa Simbahang Katolika.

“Kayong mga sumasamba sa demonyong naka abito, magsilayas kayo dito. Tambak ang kaso ni pope francis sa international tribunal court. Ang hirap sa inyong mga mangmang wala kayong alam.

Kung ayaw nyo ng mga posts dito magsilayas kayo. Lumuhod kayo kay pope francis at sumamba kayo sa kampon ng dilim. Para magsama sama kayo sa impiyerno mga bobo!”

Ayon pa sa isang post ng kapatid ni Ka Freddie, “I do not see Pope Francis as a servant of good, or an ally of god. In my opinion, he is evil. And I think those who follow him are idiots.”

Bumaha ng mga negatibong reaksiyon sa social media mula sa netizens na galit na galit sa mga pinagsasabi ni Marlene. Kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakain ng mga Pinoy sa kanya bilang pagtatanggol kay Pope.

May mga bastos na litrato pa ngang ipinadala ang ilang netizens bilang sagot kay Marlene. Pero palaban talaga ang younger sister ni Freddie Aguilar at rumesbak pa rin sa mga nagkomento sa kanyang post.

“When people call me all sorts of bad names, I don’t get insulted. Why? Because I know people’s judgement against me is not true. So why does it offend you that I do not like your Pope? In my opinion, he serves evil and darkness.

And there is nothing you can do to change how I feel. – She Dragon,” ang hirit pa ni Marlene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending