Ramdam pa rin ang sakit ng pambabalahura ng kapatid
NAGSIMULA na raw si Cristine Reyes sa panunuyo sa kapatid niyang si Ara Mina pagkatapos siya nitong kasuhan ng libel at grave coercion.
Na-realize kaya ng hitad na malditang aktres-aktresan na ito na walang kumampi sa kanya nang babuyin niya ang ate niya?
Sa mga text messages ni Cristine kay Ara, hindi lang parang baboy na dinobol-dead niya ang kanyang ate – limang beses yata niyang pinatay ito sa kahihiyan.
Grabe ang mga pinagsasasabi ni Cristine about her sister.
Kung ang palayaw niya ay AA, para rin siyang AA dahil amoy-tae pala ang bibig ng babaeng ito.Sayang ang ganda at kaseksihan niya. Kawawang bata – misguided yata.
Ngayon ay tinext daw niya si Ara na mad text lang daw ang ginawa niyang iyon.
Meaning, it’s something between two individuals na dala lang ng sobrang sama ng loob.
Parang gusto niyang palabasing hindi na dapat pina-media ni Ara ang personal away.
Iyan ang isa pang kagagahan on her part – mad text?
Kung mad text lang iyon, bakit pati nanay ni Mayor Patrick Meneses ay tinext niya ng mga kabaluharaan diumano ng kanyang kapatid?
Bakit ikinalat pa niya sa iba pa nilang mga friends at kaanak ang masasamang mensahe niya kay Ara?
Hindi ba siya nag-iisip?
Or may isip ba ang babaeng iyan?
Ngayon ay nagku-complain siya kung bakit pina-media pa ni Ara ang pinagsasabi niya?
Sino ba ang naunang magpakalat ng text messages na ito?
Si Ara ba? Siya, di ba?
Balita ko ay deadma si Ara sa kiyemeng pakikipag-ayos sa kanya ni Cristine.
Not siguro in the nearest future. Kumbaga, it will take a little time bago maka-recover si Ara sa sama ng loob.
Huwag sigurong madaliin ni Cristine ang pagpapatawad ng kanyang ate – pasasaan ba’t magkakaayos din sila in the future.
We hope so, pero not now. Masyado pang masakit para sa ate niya ang mga nangyari. Not this soon, okay ba AA na amoy-syoe ang bibig?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.