HALOS isang taon ding pinag-isipan ni Jimmy Alapag ang pagreretirong ginawa niya noong nakaraang linggo. Ito’y inamin niya sa isang munting get-together na ginanap noong Martes ng gabi sa Outback Libis.
Hindi naman daw niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa.
At hindi raw niya gagayahin si Michael Jordan na gumawa pa ng comeback at naglaro sa Washington matapos na magretiro bilang isang Chicago Bull sa NBA.
“I’ve had a great career. I have grown a lot from the time I first came to the Philippines. It’s been a great twelve years for me,” ani Alapag na ngayon ay magsisilbi bilang team manager ng Talk ‘N Text kapalit ni Aboy Castro na maraming personal na bagay na aayusin. Bukod dito ay magsisilbi ring assistant coach ng Gilas Pilipinas si Alapag.
Kung kaya pa ng kanyang schedule, tutulungan din niya sa kampanya sa National Collegiate Athletic Association ang San Beda Red Lions na iniwan ni coach Teodorico Fernandez III.
“I wanted to talk to you guys because you have been part of such a wonderful journey. I came over from the United States in 2002, played in the PBA and grew with the league. My fondest moment is playing for the Philippine team. You don’t know how proud I am of wearing the Philppine flag. That’s different. You live the dream of the entire nation,” ani Alapag.
Hindi na sana lalaro si Alapag sa Asian Games na ginanap sa South Korea noong Setyembre. Subalit nahimok siyang huwag munang bumitiw dahil kailangan ang kanyang serbisyo. Pinagbigyan naman niya ang sambayanan.
Pero matapos ang Asiad ay kinailangang magpahinga si Alapag kung kaya’t hindi siya kaagad nakapaglaro sa mga unang games ng Talk ‘N Text sa kasalukuyang Philippine Cup.
Nang matapos ng kampanya ng Tropang Texters ay tinuluyan na ni Alapag ang pagreretiro. Hindi naman daw siya pinigilan ng management bagamat may ilan siyang teammates na sa una’y ayaw pa siyang pakawalan.
“It’s difficult when you’ve bonded with your teammates for years. If you’ve been teammates for just one conference, it would be easy. That’s because you just see each other in practice and in games. But if you’ve been teammates for years, you see them outside of games. You get to know them well. Get to know their family. Go out, watch movies, things like that,” kuwento ni Alapag.
Pero hindi naman daw niya iiwan ang mga kakampi. Kasi nga’y manager siya at magkakasama pa rin sila sa games at practices.
Ang siste’y mas mahaba na ngayon ang kanyang oras sa team dahil mag-oopisina na siya.
Pero hindi naman daw siya mape-pressure. At mas marami siyang oras ngayon para sa kanyang pamilya. Si Jimmy at maybahay na si LJ Moreno ay may dalawang supling.
Hindi ba niya ginustong mapanood muna ng mga anak niya na naglalaro sa PBA bago siya tuluyang nagretiro?
“They can watch me on tapes. They can ask you guys how I am as a player. You’ll be the one to tell them,” ani Alapag.
Ang maganda ay buong-buo ang kanyang desisyong magretiro. No second thoughts.
Iiwanan niya ang paglalarong walang pagsisisi dahil nagawa na niya ang lahat ng dapat gawin sa abot ng kanyang makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.