MAYWEATHER-PACQUIAO MEGAFIGHT KASADO NA | Bandera

MAYWEATHER-PACQUIAO MEGAFIGHT KASADO NA

Mike Lee - January 17, 2015 - 01:00 AM

manny pacman

NASA kamay na lamang ng mga networks na HBO at Showtime para maganap ang pinakahihintay na laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Matatandaan na lumabas sina Bob Arum at Sam Watson para ihayag naang mga hawak na boksingero na sina Pacquiao at Mayweather ay parehong payag na sa mga kondisyon para maganap ang laban sa Mayo 2 sa Estados Unidos.

Bunga nito, ang magkaribal na networks naman ang nag-uusap para makahanap ng solusyon sa pinaplanong pagsasama sa pagsasa-ere ng laban.

Sinabi ni Stephen Espinoza, executive vice president at general manager for sports ng Showtime, na nagsimula na ang pag-uusap ng magkabilang panig pero hindi magiging madali ang negosasyon dahil maraming bagay ang dapat na pag-usapan.

Tinuran pa ni Espinoza ang negosasyon tulad sa isang 100-meter race at ang mga kalahok ay umabot pa lamang sa 40 metro.

“We’re making meaningful progress,” wika ni Espinoza sa Associated Press. “But if we were running a race, we would still have long ways to go.”

Pero tunay na hinahanapan ng Showtime at HBO na magkasundo upang maulit ang tambalan sa isang boxing event na nangyari nang nagkrus sa ring sina Mike Tyson at Lennox Lewis noong 2002.

Wala ng ibinigay pa na detalye sa napag-usapan upang hindi gumulo ito.

“There’s been some misinformation out there and in general, all sides realize that the less said publicly the better,” ani pa ni Espinoza.

Ilan sa mga krusyal na pinag-uusapan ay kung sino ang hahawak sa aktuwal na produksyon at kung sino ang magsasaere ng mga replay ng laban.

Kung maayos ito, inaasahang gagawa ng marka ang Pacquiao-Mayweather fight sa laki ng kikitain sa Pay-Per-View (PPV) na sinasabing aabot sa $85 hanggang $90 ang halaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending