Makapag-aasawa ba ngayong 2015? | Bandera

Makapag-aasawa ba ngayong 2015?

Joseph Greenfield - January 17, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jasmin ng Quezon Avenue, Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
Single mom ako at may isang anak na girl, three years old girl na siya sa kasalukuyan. At nagta-trabaho ako sa isang call center. Nahihirapan po akong mag-isa, at siyempre bata pa naman ako sa edad na 25 yers old sa darating na March 8, kaya gusto ko rin makapag-asawa. May boyfriend ako sa ngayon na isinilang naman noong  September 5, 1982. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung siya na ba ang mapapangasawa ko? Kasi sa ngayon nagbabalak na kaming mag pakasal sa darating na December. Matutuloy kaya at kung matutuloy magiging maligaya naman kaya ang buhay namin kung kami na ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Jasmin ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang mas malinaw na ikalawang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa ayaw at sa gusto mo, at dahil sabi mo nga ay bata ka pa naman sa edad na 25 sa darating na buwan ng Marso, kaya nga kahit single mom ka, walang problema, siguradong makapag-aasawa ka at habang buhay na liligaya.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Five of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.) ang mga baraha ang nagsasabing ngayong taon ding ito, tamang-tama, sa buwan ng Disyembre pinakamatagal na sa buwan ng Enero 2016, sa edad mong 25 pataas, tulad ng nasabi na, kahit single mom ka, may isang maligaya at pang habang buhay na pag-aasawang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending