ATE GUY inalipusta, niluray ng VILMANIANS sa FACEBOOK | Bandera

ATE GUY inalipusta, niluray ng VILMANIANS sa FACEBOOK

- April 24, 2012 - 03:07 PM

Nasangkot sa drugs, sugarol at pabayang ina raw

UMIINIT muli ang rivalry sa pagitan ng mahal nating Superstar na si Nora Aunor at Gov. Vilma Santos.

Kasi nga, isang malaking isyu naman ngayon ang panukala ng ilang mambabatas na hiranging National Artist si Mama Guy dala ng napakalaking impact ng kanyang pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Natural, hindi pumayag ang Vilmanians kaya ang  gusto nila ay gawaran din si Vilma ng nasabing award or if not, huwag daw gawing National Artist si Mama Guy dahil mas may karapatan daw ang idolo nila sa parangal na ‘yun.

Natural, hindi pumayag ang matatalino at mga edukadong Noranians – they spoke their hearts – they laid down the criteria for the selection. Inisa-isa nila ang mga local and international achievements and recognition ni Mama Guy. Ganda nga ng debate nila sa Facebook though napakarami lang talagang mga bastos na Vilmanians who took the issue personally.

Grabe kung babuyin nila si Mama Guy.

Some say na hindi raw siya huwarang artista dahil nasangkot sa isyu ng droga, naging pabayang ina, sugarol at kung anu-ano pa.

“Grabe kung tirahin nila si Mama Guy sa Facebook.

Pinatunayan lang ng Vilmanians na ito na wala silang edukasyon.

Hindi sila nag-iisip ng tama. Para sa kanila, dapat daw si Vilma ang hiranging National Artist dahil 50 years na raw ito sa showbiz at maraming natanggap na awards.

Hindi nila matanggap na iba ang naging impact ng isang Nora Aunor since the day one that she joined the business.

“First as a dark girl from faraway Bicol na naging champion singer at minahal ng buong bansa.

Totoo namang even before Nora entered showbiz ay artista na si Vilma pero kung hindi naman dahil sa entry ni Nora at pinagtapat sila ay hindi naman aangat ang career talaga ni Vilma.

Pasalamat pa nga siya kay Nora dahil lalo siyang sumikat nang itapat siya sa Superstar.

Iyon nga lang, she suffered in comparison dahil phenomenal ang success ni Ate Guy.

“Nakakaloka ang message ng iba laban kay Nora. Sinasabing kung sinu-sino raw ang naging lalaki niya, mula raw kay Pres. Erap to Tirso Cruz III to John Rendez.

At mahilig daw sa sugal at nasangkot pa sa drogra at hindi raw magandang huwaran bilang alagad ng sining kaya hindi raw karapat-dapat maging National Artist.

Wala pa raw pera at laos na. Kabaligtaran daw ng pagkatao ni Nora ang idolo nilang si Vilma.

“Diyos ko naman! Ano bang malinis si Vilma?

Baka nakalimutan na nila ‘yung tsismis noon sa kanya tungkol sa isang  sex scandal?

Nakalimutan n’yo na rin ba ‘yung issue sa kanila noon  ni Maricel Soriano dahil kay Ronnie Ricketts?

Tsaka yung sinasabi nilang sugarol daw si Nora. Bakit si Vilma ba ay hindi nagsusugal?

“Ang point lang namin dito ay huwag silang magmarunong. Isipin din sana nila na marami ring dungis ang idolo nila.

Huwag nilang ibato lahat ng kapintasan kay Nora Aunor dahil kailanman ay hindi siya nagmalinis.

That’s not fair. Ang isyu rito ay kung sino ba sa tingin ninyo ang dapat maging National Artist.

Anyone naman can be nominated, di ba? Pero bakit namemersonal sila? Itong Willie Fernandez na ito, kung lait-laitin si Nora ay parang ang ganda-ganda niya!” ang mahabang pagtataray ng isang Noranian.

Tama naman ang point ng Nora follower na ito, eh.

Huwag nilang personalin si Mama Guy, hindi naman siya ang may gustong maging National Artist, e.

Siya ay isinusulong ng ilang pulitiko especially Cong. Roilo Golez who believe in her persona.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung gusto rin ng mga Vilmanians na masilip ang idolo nila for the same nomination, ibenta nila nang maayos ang kanilang manok, but not at the expense of Nora Aunor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending