SA nalalapit na pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas, ise-share namin sa inyo ang naging tugon ng ilang celebrities nang tanungin kung ano ang hihilingin o sasabihin nila sa Santo Papa kung bibigyan sila ng pagkakataong makaharap ito. Narito ang pagpapatuloy ng panayam.
Bret Jackson:
“I will just tell him please bless the Philippines and make sure that this year will be a very good year for our country and also in the coming years.
And I will also tell him to help the Philippines especially our poor kababayans in the Visayas region who are still coping after super typhoon Yolanda.
I know that he’s the people’s Pope kaya sana his presence here in our country would result to a more meaningful and fruitful year for all of us Filipinos.
BB Gandanghari:
“Sasabihin ko kay Pope Francis na I’m very thankful du’n sa ibinibigay niyang statement ngayong regarding ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community, yung hope na ibinibigay niya sa amin ngayon as compared before na kapag nasa grupo ka ng LGBT, mas maraming mga taong nagko-condemn somehow, nagdya-judge kung bakit kami ganito, but now naiiba na.
“So, gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanya for making people realize na huwag maging judgemental sa ibang tao. Na mas manaig ang respeto at pagmamahal sa kapwa ng bawat isa sa atin.
And I also wish na sa pamamagitan niya ay mas ma-promote pa ang equality sa buong mundo, hindi lang dito sa bansa natin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.