Para sa may kaarawan ngayon: Upang maraming suwerteng dumating pahahalagahan ang ispiritual na bahagi ng buhay. Ugaliing magdsal tuwing umaga upang lalo pang dumami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang bahay dalanginan. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Om-Githa.” Blue at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2015 ituring na ang bawat araw ay siya na ring huling araw. Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang pagiipon at pagpapalago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, ibigay sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Aum-Aum-Surya.” Violet at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kapag muling nakahawak ng malaking halaga unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, simulan ng iguhit sa malinis na papel ang pangarap nyong house and lot ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag damdamin ang pagkawala ng pera, babalik din yan! Sa buwan ng Pebrero mas marami at mas sagana ang darating. Sa pag-ibig wag ng muling lokohin ang kusuyo, manatiling tapat, bago mahuli ang lahat. Mapalad ang 5, 7, 18, 24, 40, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito ng 2015 lakas-loob ang kailangan! Sa pananalapi, sugod ng sugod hanggang yumaman! Sa pag-ibig, hindi dapat mahiya sa kasuyo, romansahin mo ng romansahin, upang matigil na ang kanyang paghihinala at pagseselos. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—May sopresang matatanggap sa taon ito ng 2015, mula sa mga taong nagmamahal sa iyo! Sa pinansiyal, tuloy ang pag-dami ng salapi. Sa pag-ibig, ang kasalukuyan tampuhan ay magbubunga ng masarap na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad 4, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omvid-Hunam-Om.” Yellow at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kulang pa ang pagsisikap! Sa taong ito ng 2015 itodo ang mga pagkilos hanggang sa ikaw ay yumaman. Sa pag-ibig gawing inspirasyon ang kasuyong malambing. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Red at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Bigyan ng kakaibang pansin ang kasuyo, upang hindi na magmaktol. Yayain yayaing manood ng sine upang kapwa naman kayo malibang. Sa pinansiyal, sa taong ito ng 2015 tuloy ang pagdating ng salapi. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Doblehin pang lalo ang mga pagsisikap na ginawa nuong nakaraang taon. Wag babagal-bagal upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, wag susuko ang iniingatan, hindi muna yan maibabalik sa sandaling napunit. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Aum”. Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag-relaks-relaks upang maibsan ang iniindang karamdaman. Magluto ng bangus na inihaw na ibinalot sa dahon ng saging. Sa pag-ibig, sa salo-salong pagkain, lalong magiging romantiko ang relasyon. Mapalad ang 3, 9, 12, 23, 30 at 40. : “Govinda-Rama-Rama-Govinda.” Red at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito ng 2015 hindi masamang magkuripot kung ito ang magiging daan upang yumaman. Sa pag-ibig, bawasan ang madalas na pagli-libre sa kasuyo, minsan siya naman ang dapat na maging taya. Mapalad ang 4, 12, 23, 31, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Om-Arjuna”. Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa taong ito ng 2015 wag mong saktan ang iyong sarili. Hindi ka dapat mag sakripsiyo sa isang taong hindi ka naman pinapahalagahan. Sa pinansiyal, tuloy ang hindi panatag na dating ng salapi, kaya dapat na magtipid-tipid. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Orange at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ihanda ang sarili! Sa taong ito ng 2015 mas malalaking suwerte ang darating lalo na sa buwan ng Abril hanggang Mayo. Sa pag-ibig, sa simula lang magiging malungkot ang taon, darating kalagitanaan ng taon muling liligaya ang puso. Mapalad ang 7, 19, 29, 31, 36. At 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Red at violet ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.