Kuya Germs medyo utal pa, kanang braso naparalisa
SUPER outscooped ako last Saturday sa pagka-hospitalize ni Kuya Germs sa St. Luke’s Medical Center after a mild stroke.
Alam ko na iyon as early as Saturday lunch yata pero ingat na ingat akong lumabas ang balita dahil according to Tita Carmelites,
Kuya Germ’s confidante, ayaw itong ipaalam ng pamilya hangga’t maaari para hindi na madagdagan ang stress si Kuya Germs.
”
Overfatigue kasi si Kuya Germs these past days. Dami kasi niyang naging lakad at puyat kaya nakaramdam siya ng pananakit ng dibdib. Siya pa ang nagsabi kay Federico (his son) na parang inaatake siya kaya mabilis siyang itinakbo sa hospital. Kailangan niyang magpahinga kaya di pa siya puwedeng dalawin,” ani Tita Carmelites that day.
Gusto ko mang sulatin agad iyon sa column ko for the next day’s BANDERA ish, hindi ko na lang ginawa dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Kuya Germs. Ayoko kasing putaktihin siya ng mga nagmamahal sa kaniya dahil baka lalo lang siyang mag-alala at mapagod. Pero on hindsight, malaki rin ang naitulong ng mga balita about his condition dahil napakaraming nagdasal for his fast recovery and in fairness, he’s recovering considerably. He just needs more time to rest.
Medyo utal pa raw magsalita si Kuya Germs – ang kanang paa niya ay medyo hirap pang gumalaw pero ang right arm niya ay inoobserbahan pa rin dahil medyo naparalisa ito. Pero kaya naman daw makuha sa therapy.
Nakaka-miss ang halakhakan namin ni Kuya Germs. Palagi kaming nagkakausap niyan – kung di man sa Walang Tulugan taping dahil mainstay doon ang anak naming dalawa na si Michael Pangilinan, every night halos siyang nagti-text sa akin sa
“Mismo” program namin sa DZMM on weekdays. Binabati ko siya madalas sa program namin. He enjoys daw watching us regularly.
Pag nabalitaan niyang nag-tong-its ako with some friends, tatawag iyan at kukulitin ako – bakit hindi ko raw siya isinama kasi mahilig din daw siyang mag-tong-its. Ha-hahaha! Hindi ko naman siya diretsong masabihang ayaw ko siyang kalaban sa tong-its dahil mabagal siyang magtapon ng cards. Ha-hahaha!
I am also praying na gumaling kaagad si Kuya Germs. He’s such a very loving and caring friend. Napakabait niya sa aming lahat, he has a big heart for everyone most especially to those teens na gustong magkapuwang sa showbiz industry. Hindi siya napapagod tumulong sa mga batang ito kaya kita niyo naman sa show niyang Walang Tulugan sa GMA 7 tuwing Sabado, napakaraming kabataang kasali roon – he hones their talents in singing, dancing, hosting, etcetera.
Hindi pa rin namin siya nadadalaw sa hospital dahil ipinagbabawal pa rin ang dalaw. Kailangan pa niya kasi ng complete rest for some time. Di bale, basta ang mahalaga he’s safe na from further harm. He has to be very careful now with his health – lalo na sa mga kinakain niya.
Take care, Kuya Germs. We truly love you. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.