Kris, Coco, Vic butata pa rin kay Vice; Praybeyt Benjamin kumita na ng P300-M
Siguradong inggit na inggit ngayon kay Vice Ganda ang mga nakalaban niya sa 2014 MMFF, lalo na yung mga nasa huling puwesto ng karera.
E, bakit hindi, balitang umabot na sa mahigit P300 million ang kinikita ng “The Amazing Praybeyt Benjamin” sa nalalapit na pagtatapos ng taunang filmfest.
Mismong si Vice ang nag-announce nito sa kanyang Twitter account, sey ng TV host-comedian, “300Million kisses for you! Praybeyt Benjamin says THANK YOU!”
Ibig sabihin nito, malapit nang mabura ni Vice ang sarili niyang record sa box-office last year. Ang pelikula rin kasi niyang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ang naging number one noong 2013 MMFF na siya ngayong may hawak ng titulong “highest-grossing Philippine film of all time.”
At kung magtutuluy-tuloy pa ang swerte ng “Praybeyt Benjamin” sa takilya kahit na patapos na ang MMFF this week, posibleng ito na ang sisira sa record ng “Girl Boy Bakla Tomboy).
Sa huling ulat na nabasa namin, umabot na raw sa mahigit P701 million ang kinikita ng lahat ng pelikulang kasali sa filmfest, mas mataas daw ito ng five percent sa kinita ng MMFF last year.
Marami naman ang natuwa sa biglang pag-angat ng entry nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na “English Only Please” matapos silang humakot ng awards sa gabi ng parangal – mula sa panglima (o pang-anim) na pwesto ay naging pang-apat na ito sa listahan.
Una pa rin ang “Praybeyt Benjamin”, pangalawa ang “Feng Shui” at pangatlo pa rin ang “My Big Bossing” at panglima ang “Kubot: The Aswang Chronicles 2.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.