Alex kay Toni: Feeling ko ikakasal na sila ni direk Paul sa 2015! | Bandera

Alex kay Toni: Feeling ko ikakasal na sila ni direk Paul sa 2015!

Ervin Santiago |December 31,2014
facebook
share this

Alex kay Toni: Feeling ko ikakasal na sila ni direk Paul sa 2015!

Ervin Santiago - December 31, 2014 - 03:00 AM

alex gonzaga
Feeling ni Alex Gonzaga, magpapakasal na ang sisteraka niyang si Toni Gonzaga sa boyfriend nitong si direk Paul Soriano ngayong darating na 2015.

Sey ni Alex, nararamdaman niya na baka raw ito na ang huling Christmas na makakasama nilang single si Toni. Tinukso-tukso pa nga ni Alex ang kanyang ate sa interview ng The Buzz sa kanya nu’ng Linggo nang akalain nitong magpo-propose na sa kanya ang dyowang direktor nu’ng mismong araw ng Pasko.

Kuwento ni Alex, “May nagregalo kasi sa akin ng Tiffany. Siyempre ine-expect ng ate ko wala namang magbibigay sa akin nu’n. Nasa labas ako nu’n, (December) 25 na, Christmas Day. ‘Yung ate ko nauna umuwi.

Pagpasok ni ate, may nakita siyang Tiffany box. Ninerbyos siya!”  “Pagtingin niya kay Paul, tumatawa daw si Paul. In-expect niya nakaluhod,” natatawa pang chika ni Alex.

Kaya  feeling ng younger sister ni Toni, “May nararamdaman ako. Feeling ko talaga last year na ito na makakasama ko siya.”
Nangako naman si Toni na ia-announce nila ni Paul sa madlang pipol kung engaged na sila.

Pitong taon na ring magkarelasyon ang dalawa at marami ang naniniwala na sa kasalan din mauuwi ang mahabang love affair ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending