Kris nagpaputok na naman; Bistek sapul | Bandera

Kris nagpaputok na naman; Bistek sapul

Cristy Fermin |December 31,2014
facebook
share this

Kris nagpaputok na naman; Bistek sapul

Cristy Fermin - December 31, 2014 - 03:00 AM

herbert bautista
Mapansin lang. ‘Yun ang maririnig mong komento kahit saan tungkol sa pagdalaw ni Mayor Herbert Bautista sa bahay ni Kris Aquino kamakailan.

Masakit sa pandinig, pero komento pa ng isa, “Hmm, kapos na naman sa attention si Kris, may bago na naman siyang pinaputok! Kapag gusto niyang gawin, walang makapipigil sa kanya.

Kapag gusto niyang magpapansin, go lang siya nang go!” Nakakalungkot lang isipin na hindi na makaahun-ahon si Kris sa ganu’ng imahe. Na kapag gusto niyang maging sentro siya ng atensiyon ng publiko ay siguradong may gagawin siyang paraan.

Kapag daw naiinip na si Kris dahil hindi na siya nagiging headline ng mga pahayagan ay kayang-kaya niyang maagaw ang atensiyon ng ating mga kababayan sa isang pitik lang ng kanyang mga daliri.

Harinawang sa pagpasok ng 2015 ay tunay nang maging maligaya si Kris Aquino. Sana nga ay matagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng kung sino siya at hindi sa kung anumang meron siya.

At sana’y makita na rin ng aktres-TV host ang lalaking mamahalin niya talaga, ‘yung pagmamahal na tahimik lang, ‘yung hindi niya ipagmakaingay agad para hindi maunsiyami.

Mapigilan sana ni Kris kahit paminsan-minsan lang ang kanyang nilangisang dila para hindi nauudlot ang kanyang pakikipagrelasyon. Harinawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending