Marian-Dingdong Royal Wedding nag-trending | Bandera

Marian-Dingdong Royal Wedding nag-trending

Ervin Santiago |December 31,2014
facebook
share this

Marian-Dingdong Royal Wedding nag-trending

Ervin Santiago - December 31, 2014 - 03:00 AM

dongyan
MABUHAY ang bagong kasal!

Matapos ang ilang buwang paghahanda, naganap na ang pinakahihintay na “Royal Wedding” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan walong bishop at pitong pari nga ang nanguna sa wedding mass.

Dinaluhan ito ng mga kamag-anak at malalapit na mga kaibigan ng bagong kasal sa loob at sa labas ng showbiz industry, sa pangunguna na nga ng kanilang mga magulang at ng Pangulong Noynoy Aquino na siyang tumayong Witness of Honor.

Pero bago ito, mukhang hindi nga nakatulog nang maayos ang GMA Primetime Queen bago ang kasal nila ni Dingdong ngayong alas-3 ng hapon.

Base sa mga nakita naming litrato sa Instagram, medyo late na nang matapos ang wedding rehearsal nina Marian at Dingdong kasama ang kanilang wedding planner na si Teena Barretto. Bukod dito, nakipag-bonding pa ang Kapuso actress sa kanyang mga bridesmaid after ng rehearsal.

Marami ring kinilig na DongYan fans nang makita ang IG photo ng dalawa – exchanging their last kiss before they become Mr. and Mrs. Dantes.

Nakipag-bonding din si Marian sa kanyang tatay na si Francisco Javier Gracia na nagtungo lang sa Pilipinas mula sa Spain para makadalo sa kasal ng anak kay Dingdong.

Samantala, ilang kalsada naman sa Quezon City, partikular na sa Cubao ang pansamantalang isinara para sa Royal Wedding. Binigyan din ng QC government ng sapat na seguridad ang palibot ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, lalo pa’t dumalo nga si P-Noy.

Siyempre, bukod sa seguridad na ibinigay ng local government ng Q.C. ay meron ding ipinatupad na security measures ang Malacañang.

Nagtayo rin ng bleachers sa labas ng simbahan at naglagay ng isang wide screen para mapanood ng fans nina Marian at Dingdong ang mga kaganapan sa loob ng simbahan.

Ang Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco ang gumawa ng wedding gown ng bride. Gawa ito sa French lace (in ecru) na binurdahan ng Swarovski crystals. Ayon sa ulat, umabot sa P2 million ang halaga ng trahe de boda ni Marian.

May suot din si Marian na “mother of pearl crown” na ginawa rin ni Michael Cinco na nagmula pa sa Lebanon, with matching “veil of scalloped tulle and lace”.

Si Randy Ortiz naman ang gumawa ng wedding suit ni Dingdong na dumating sa simbahan kahapon sakay ng kanyang Ducati. Ayon kay Dong, very memorable sa kanila ni Marian ang motorsiklo dahil first date nila, sa isang motorsiklo lang sila sumakay.

Bukod kay P-Noy, dumating din ang  kilalang celebrities na kasama sa entourage kabilang na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas na balitang nagkaayos na rin matapos magkita sa simbahan bilang mga ninang nina Dong at Yan, KC Concepcion, Regine Velasquez , Ryzza Mae Dizon, Vic Sotto, Vilma Santos, Lucy Torres, Richard Gomez at marami pang iba.

Nagkakaisa naman ang wish ng mga bisitang dumalo sa kasal nina Dong at YanYan – ang magkaroon sila ng maraming anak.
Sa huling interview namin kina Marian at Dingdong, gusto rin nilang magkaroon agad ng baby kaya asahan natin na kakaririn ng dalawa ang paggawa ng kanilang unang anak.

Sabi pa nga ng Kapuso actress, kahit ilan daw ang gusto ni Dingdong ay kakayanin niya – ganu’n daw niya kamahal ang kanyang asawa.

Ayon naman sa ilang kamag-anak ng bagong kasal, sana ay maging forever na ang pagmamahalan nila. Nag-trending din worldwide sa social media ang  royal wedding, as in talagang tinutukan ito ng milyun-milyong Pinoy sa buong mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitang milyun-milyong piso rin ang ginastos ni Dingdong para sa bonggang kasal. E, sa reception pa lang (SM MOA Arena) siguradong napakalaki na ng inilabas na pera ng groom. Pero sabi nga ni Dong, only the best para sa kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending