Michael Pangilinan bawal pang mag-artista
GOSH! It’s the last day of the year 2014 at parang gusto na naming hilahin ang araw na ito para matapos na nang sa gayon ay maiwan na natin finally ang may kabigatang taon na ito and start with something very fresh and positive.
Marami rin namang magandang alaalang naidulot ang 2014 pero financially seems like it was damn tough for many of us. Kaya marami ang nagwi-wish na mabago naman ang kulay ng buhay natin sa pagpasok ng 2015.
Yes, bukas na ito – wala nang urungan ito. Ha-hahaha! Para sa akin, oks-oks lang ang 2014 – I’d like to count my blessings – not just for me pala, for the people I truly care for.
Marami rin namang magandang nangyari lalo na sa singing career ng mga anak-anakan kong sina Michael Pangilinan and Prima Diva Billy who mean so much to me.
Sa loob kasi ng napakatagal na pamamalagi ko sa entertainment business, I’ve always dreamed of discovering a male and female artist – mapaartista man o singer and Michael and Billy are the answers to my little prayers.
Nang magsalubong ang mga landas namin not so long ago ay nasabi ko sa sarili ko na tututukan ko ang dalawang ito. Nataon lang na medyo nakaungos nang konti si Michael dala ng kaniyang matinee looks pero very proud din ako kay Prima Diva Billy because she’s one hell of a singer.
Iba ang boses – talagang maipagmamalaki mo. But you know, my girl has two kids already at kailangan niya ng stable job kahit paano (you know naman in this business, hindi ganoon ka-stable ang work lalo pa’t hindi ka pa gaanong sikat, pag wala ka sa mainstream talagang pahirapan din kung minsan) kaya pinayagan ko siyang magtrabaho sa Dubai starting Jan. 5, 2015.
Malungkot man kami ni Michael na aalis ang Ate Billy niya in the next days pero we will be in touch. Magtatrabaho siya sa isang hotel doon as a singer din. Maganda kasi ang offer sa kaniya and one year lang naman.
Maganda ang 2014 for Michael Pangilinan dahil kahit paano ay nakilala siya nang husto dala ng awiting “Pare, Mahal Mo Raw Ako” composed by friend Joven Tan na isinali sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs.
Hindi man ito nanalo pero it opened many doors for Michael. Kaya malaking pasalamat sa Panginoon ang itinatanaw namin. Sana magtuloy-tuloy pa.
In fairness kay Michael, mula nang pumutok ang song niyang ito who’s music video has reached more than three million views na, left and right na ang singing engagements niya.
First time din siyang nakapag-travel abroad because of the little popularity na natamasa niya. Early next year ay iri-release na ang second album niya co-produced ng Star Records and Erase Placenta ni kaibigang Louie Gamboa atd isinasara ko na rin ang ilang endorsements niya.
Very excited na kami sa mga billboard na itatayo for him. “Ngayon ko na naunawaan ang sinasabi mo sa akin, ‘Nay, na huwag muna akong mag-artista. Iyon kasi ang pangarap ko nu’ng bata pa ako.
Pero since nagsimula na ako as a singer, tamang huwag ko munang pagsabayin dahil baka malito ang mga tao kung ano ba talaga ang gusto ko. Ngayon kasi ay talaga nai-enjoy ko ang pagkanta kaya dito na muna ako mag-concentrate,” ani Michael.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.