Ang BF na ba ang makakatuluyan? | Bandera

Ang BF na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield |December 31,2014
facebook
share this

Ang BF na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - December 31, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jasmine ng ng San Nicolas, Toril, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako sa ngayon na isinilang noong April 25, 1989 at ako naman po ay isinilang noong September 2, 1990. Madalas na sa aming may nangyayari, kaya gusto ko pong malaman kung tutuparin  nya ba ang kanyang pangako na ako ay papakasalan niya kapag daw nakaipon na siya ng sapat na perang pampakasal namin. Sa ngayon kasi ay nasa Maynila siya isinama ng kapatid niya upang pansamantalang mag-trabaho doon, inaalala ko po na baka hindi nya na ako balikan, kaya sana malaman ko kung kami na ba ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay?
Umaasa,
Jasmine ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang kauna-unahang magiging first boyfriend mo at lalaking unang makakagalaw sa iyong pagkababae, walang duda siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagtatayo ng isang masaya at pang habang buhay na pamiya.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Two of Hearts, Queen of Hearts, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagpasok ng taong 2015 lalo pang iinit at magiging maligaya ang inyong relasyon, higit lalo sa sandaling nagbalik na ang iyong boyfriend galling Maynila.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending