Bancod kampeon sa National Rapid Chess | Bandera

Bancod kampeon sa National Rapid Chess

Mike Lee - December 29, 2014 - 12:00 PM

HINIRANG na kampeon si International Master Ronald Bancod sa idinaos na 2014 National Rapid Chess Championships Open na ginawa sa PSC Athletes Dining Hall sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Si Bancod ay nagtala ng 7.5 puntos sa 9-round Swiss System tournament na inorganisa ng National Chess Federation Philippines (NCFP).

Mabigat ang lebel ng kompetisyon dahil sumali rin ang mga Grandmasters na sina Rogelio Antonio, John Paul Gomez at Darwin Laylo.

Ang panalo ni Bancod ay nagkahalaga ng P10,000 na ibinigay ng NCFP bukod sa chess clock.

Sina Narquinden Reyes, Joel Pimentel at Jerad Docena ay nagkasya sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto taglay ang 7.0 puntos habang si IM Jan Emmanuel, IM Haridas Pascua, GM Laylo at IM Oliver Dimakiling ay magkasalo sa ikalima hanggang ikawalong puwesto sa 6.5 puntos.

Kasamang naglaro ang mga kababaihan at lumabas na kampeon sa kanilang dibisyon si WIM Janelle Mae Frayna na may 5.0 puntos upang angkinin ang P3,000 gantimpala.

Si Jan Jodilyn Fronda ang pumangalawa bago sinundan ni Bernadette Galas.

Isinagawa kahapon ang labanan sa Blitz at ang mga kampeon sa Rapid at Blitz ay ginawaran ng kanilang tropeo at premyo sa closing ceremony kahapon ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending