Hagdang Bato nagdomina sa Presidential Gold Cup | Bandera

Hagdang Bato nagdomina sa Presidential Gold Cup

Mike Lee - December 22, 2014 - 12:00 PM

HINDI nahigitan ni Hagdang Bato ang tiyempo nang nanalo sa huling stakes race na sinalihan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ngunit sapat ang ipinakita ng premyadong kabayo para dominahin ang pinaglabanang Presidential Gold Cup na siyang tampok na karera kahapon.

Nangyari ang pinangambahang dominasyon ni Hagdang Bato, na diniskartehan pa rin ng regular na hineteng si Jonathan Hernandez, sa nagdedepensang kampeong Pugad Lawin nang hindi ito papormahin sa kabuuan ng karera.

Kampeon noong 2012, si Hagdang Bato ay natalo kay Pugad Lawin noong 2013 nang tinamaan ng pintuan ng aparato para maantala ang pag-alis nito.

Pero kahapon ay tila nag-workout lamang ang limang-taong kabayo na kampeon dahil walang nakapagbigay ng magandang hamon tungo sa banderang-tapos na panalo sa 2,000-metro karera.

Ang winning time na naiposte ng back-to-back Horse of the Year awardee para kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ay 2:06 sa kuwartos na 25, 24’, 26, 25 at 26.

Mabagal ito sa 2:04.6 marka na ginawa nang dominahin ang Eduardo Cojuangco Jr. Cup noong Nobyembre 30 sa nasabing race track laban sa imported horse na si Crucis.

Si Pugad Lawin, na sakay ni Pat Dilema at may limang sunod na panalo bago pumasok sa labang ito, ay tila napahirapan ng pagkakaroon ng 58.5 kilos handicap weight, ang timbang din ni Hagdang Bato.

Sumunod lamang ito kay Hagdang Bato bago naglakad sa rekta. Naunahan pa ito ni Kaiserslautern para sa ikalawang puwesto. Si My Champ na pumangalawa noong nakaraang taon, ang pumang-apat sa karera.

Halagang P4 milyon ang kinabig ng connections ni Hagdang Bato dahil P3 milyon ang ibinigay ng PCSO sa pangunguna ni chairman Ferdinand Roxas II at P1 milyon ang dagdag ng Philracom na pinamunuan ni chairman Angel Castano Jr. sa awarding ceremony.

Si Abalos, na hindi nakarating dahil nasa ibang bansa, ay nakatanggap pa ng P200,000 bilang breeder ng nanalong kabayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aakyat na sa P7.8 milyon ang premyong napanalunan ni Hagdang Bato sa 2014 at tiyak din ang pagnombra sa kabayo bilang pinakamahusay na kabayo ng taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending