ANGELINE: Opo, peke ang pwet at balakang ko! | Bandera

ANGELINE: Opo, peke ang pwet at balakang ko!

- April 16, 2012 - 03:10 PM

Umaming may inilalagay para tumambok

SA mga gustong manligaw si Angeline Quinto na taga-showbiz ay huwag ninyo nang ituloy dahil nagsalita na siya ng tapos,  hindi niya type ang taga-showbiz.

“Ayoko po, gusto ko wala sa showbiz para tahimik,” say ng dalaga.

Kaya naman nang mabalitang sila na ni Erik Santos dahil nga nakunan sila ng picture na magka-holding hands sa ibang bansa ay natawa siya, “Kasi nga po, sa ASAP pa lang, close na kami, tapos ng magkasama kami sa Hawaii, lagi talagang ganu’n si Erik Santos sa akin.

Pag nakita ako nu’n, kung hindi ako yayakapin, hinahawakan ‘yung kamay ko,” kuwento ng singer.

Wala bang nararamdamang kakaiba si Angeline sa mga kilos ni Erik o hindi ba siya kinikilig sa binata? “Hindi naman, parang kuya ko ‘yun,” mabilis na sagot ni Angeline.“Naglolokohan nga kami na,‘Don’t you dare fall in love with me!’ At sinasabi talaga namin iyon sa isa’t isa at saka di ba, ex (girlfriend) niya si Rufa Mae (Quinto), e, Quinto rin ako, kaya nag-aasaran kami,” tumatawang kuwento ng singer.

“Sabi ko nga, mahilig ka kasi sa Quinto, “dagdag pa ng dalaga.

Bakit hindi posibleng maging sila ni Erik, hindi ba niya type ang binata? “Si kuya Erik?  Keri lang. Ha-hahaha!

Hindi naman siya nanliligaw sa akin,” tumatawang sabi ni Angge.Samantala, naglabas na ng second album si Angeline mula sa Star Records na naglalaman ng 13 songs at may duet sila ni Erik, ang “If You Asked Me To”, ang carrier single niya ay “Fall In Love Again” at ang duet nila ng idol niyang si Regine Velasquez na “Lipad Ng Pangarap”.

Ang unang album niyang “Patuloy Ang Pangarap” ay malapit ng mag-double platinum at nagpapasalamat siya sa lahat ng sumusuporta ng album niya.

Tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs si Angeline at ipinagpapasalamat daw niya iyon sa ABS-CBN.

Tatlo ang paborito niya, ang una ay ang theme song ng Budoy ni Gerald Anderson (Saan Darating Ang Umaga), Minsan Lang Kitang Iibigin ni Coco Martin (Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin) at ang Kung Ako’y IIwan Mo na bagong serye nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia at Jake Cuenca.

Samantala, naaliw kami kay Angeline dahil ibinuking niyang peke ang butt at balakang niya dahil naglalagay nga siya ng padding pero hindi raw totoong retokada siya, “Naka-padding nga ako ngayon, nagparetoke pa?” pambubuking ni Angeline sa sarili.

“Wala kasi akong puwet at balakang kaya naglalagay ako ng padding, sa Tutuban ko pa po binili ‘yun, dati pa, Star Power pa, nag-iisa nga lang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ingat ako kasi wala na akong Makita,” pag-amin ni Angeline.“Wala kasi akong mabiling magkasama ang padding sa balakang at puwet, puro para sa puwet lang ang nakikita ko na ngayon,” dagdag pa  nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending