Simple lang ang paglutas ng drug problem | Bandera

Simple lang ang paglutas ng drug problem

Ramon Tulfo - December 18, 2014 - 03:30 PM

MGA magkakamaganak ang bumubuo ng sindikato ng mga guwardiya sa New Bilibid Prisons (NBP) na nagtatakipan sa isa’t isa.

Mga tatay, anak, tiyuhin, pamangkin, magbayaw, magbilas, magninong, inaanak, magkumpadre, guwardiya na napangasawa ng pinsan ng pinsan ng ibang guwardiya, mga guwardiya na may relasyon sa anak ng ibang guwardiya, atbp.
Yan ang relasyon ng mga guwardiya at ibang empleyado sa NBP sa isa’t isa.

Hangga’t hindi nabubuwag ang sindikato, ma-nanatili ang anomalya sa NBP dahil ang mga ito ay “family affair.”

Ang sindikato ang nagpapaikot ng mga ulo ng director at mga assistant director ng Bureau of Corrections o BuCor, na pawang mga presidential appointees.

Dahil hindi sila kapa-milya, wala silang malalaman sa mga katiwalian sa loob ng NBP.

Kaya’t ang mga mayayamang inmates ay nabibigyan ng VIP treatment; mga convicted drug lords ay nakapagpapatakbo ng kani-kanilang mga sindikato sa loob mismo ng kulungan; ang alak at droga at maging mga baril ay naipupuslit; mga babaeng bayaran ay labas-masok sa loob ng NBP na hindi alam ng mga “diyos” sa BuCor.

Ang mga guwardiya ay nagtatakip-takipan sa isa’t isa sa paggawa ng katarantaduhan sa loob ng NBP.

Lahat ng mga directors at assistant directors ng BuCor ay mahigpit sa umpisa ng kanilang termino, pero sumasali na sa sindikato o kaya ay katawa-tawa dahil nananatili silang istrikto pero walang alam.

Kung talagang gusto ng mga awtoridad na buwagin ang sindikato, kailangan na isang taga loob o dating empleyado ang mahirang ng BuCor director.

Para akong sirang-plaka na paulit-ulit na iniendorso si Juanito Leopando, isang retiradong prisons superintendent, pero maaaring siya ang maging sanhi ng pagbubuwag ng sindikato sa NBP.

Maaaring kasama si Leopando noon sa sindikato dahil siya’y may kapatid na taga BuCor din, pero maihahalintulad siya sa isang whistleblower na nagbunyag sa kanyang mga kasamahan.

Kung hindi sa mga whistleblowers, madidiskubre kaya ng gobyerno ang P10-bilyon pork barrel scam?

Kapag si Leopando ay naging BuCor director, mga ibang anomalya sa NBP ay mabubunyag.

Kung ako si BuCor Director Franklin Bucayu, magbibitiw ako sa tungkulin sa kahihiyan matapos na pinangunahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang pag-raid sa NBP compound na kaharian ni Bucayu.

Bakit si De Lima pa ang kailangang maging abre-lata upang mabuksan ang mala-haring buhay ng mga convicted drug lords sa NBP?

Sabi ni De Lima, si Bucayu ang nagbigay ng tip sa kanya sa pagbubuhay-mayaman ng mga convicted drug lords.

Pero por Diyos, por santo, Bucayu, bakit hindi ikaw mismo ang nagsagawa ng raid?

Kung ang problema mo ay hindi mo nakukuha ang kooperasyon ng mga guwardiya, bakit hindi mo hiniling ang tulong ng Philippine National Police (PNP) yamang ikaw naman ay dating miyembro nito at heneral pa?

Ang iyong pagtatago sa ilalim ng saya ni De Lima ay unbecoming of a retired police general. Graduate ka pa man din ng Philippine Military Academy (PMA).

Dapat bigyan ng pag-aaral ang panukala ni Sen. Tito Sotto na ibalik ang death penalty sa mga convicted drug lords.

Ang mga presong drug lords sa NBP ay patuloy na naghasik ng lagim sa sambayanan dahil pinatatakbo nila ang kani-kanilang sindikato sa pamamagitan ng cellphones at Internet.

Kung hindi pa sila ni-raid ni De Lima, baka patuloy pa rin ang kanilang masamang gawain.

Ang kanilang pagkakakulong ay walang saysay dahil nakakasira pa rin sila ng maraming buhay.

Kung sila’y na-lethal injection, nawalan sana ng lider ang mga drug syndicates at mabubuwag na ang mga ito.

Mabuti pa Davao City Mayor Rody Duterte dahil nalutas niya ang problema ng droga sa kanyang siyudad.

Kapag ang isang drug lord ay nag-operate sa Davao City, siya’y sinasalvage ng Davao Death Squad otherwise known to the local population as the “Duterte Death Squad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ka-simple ang paglutas sa problema ng droga sa Davao City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending