Horoscope, December 17, 2014 | Bandera

Horoscope, December 17, 2014

Madam Sophia |December 17,2014
facebook
share this

Horoscope, December 17, 2014

Madam Sophia - December 17, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Gaano man karaming salapi ang natatangap, dapat may katapat na pasalamat. Kapag laging nagpapasalamat, madodoble ang pera. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang pagkukulang sa kanya ay hindi ka niya iniiwan. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang  buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan dagdag na unawa ang dapat. Unawain lagi ang mga kausap, sa bandang huli ay sila rin ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkakagalit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –    Isang Virgo ang tutulong  upang masimulan ang negosyong matagal nang binabalak. Sa pag-ibig, isang katabi mong nakakulay puti ang may lihim sa iyong pagnanasa – mag-ingat! Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit na agad ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at beige ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22) – Hindi masamang magpakabait, pero masamang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kaibigan ang mangungutang. Sa pag-ibig, hangga’t hindi ka nagpapakatotoo ay walang true love na darating. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Laging magpakatotoo upang higit na lumigaya ang  pakikipag-relasyon. Sa pinansyal, kung hindi ka magkukunwari ay lalong darami ang iyong pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Red at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Hindi ka mauubusan ng pera, pero hindi naman dapat na lustayin na lahat sa Holiday Season na darating ng iyong salapi. Magtabi para sa Bagong Taon at para sa Araw ng mga Puso.  Sa pag-ibig, “stick to one” ang dapat upang habambuhay kang lumigaya. Mapalad ang 1, 8, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Nameh-Om.” Silver at golden yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Kahit anong problema ang dumating, isang kaibigang Virgo ang maaasahan. Sa pinansiyal, isang Pisces naman ang maaaring mautangan! Sa pag-ibig, bagamat okay ang isang Aries, mas higit kang kikiligin sa isang Aquarius. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Malayo pa ang Pasko ay unti-unti nang nauubos ang pera! Bago tuluyang masimot ang laman ng bulsa, matutong magtipid. Sa pag-ibig, lalong malulungkot ang kasuyo – kapag tuluyan na kayong naubusan ng pera.  Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Bigyan ng “deadline” ang sarili upang magkaroon ng direksyon ang ginagawa. Unahing tapusin agad ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan n’yo nang yumaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” White at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyong kuripot. Unti-unti lang ang paggastos ngayong Holiday Season. Sa pag-ibig, habang lumalapit ang kapaskuhan ay lalo namang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Huwag makibarkada sa mga taong walang kuwenta!  Makipagkaibigan sa mga taong mayayaman at may mga sinasabi. Sa kanila ay maraming suwerte at magandang kapalarang makukuha. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Hindi magtatagumpay sa sandaling kung anu-ano ang laman ng isipan! Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending