Pelikula nina Dingdong at Charo hindi pang-MMFF; ‘situationship’ ang tema
NILINAW na ng Cornerstone Entertainment/Studios President at CEO na si Erickson Raymundo na hindi pang-Metro Manila Film Festival ang pelikulang sinu-shoot nina Dingdong Dantes at Ms. Charo Santos-Concio.
Nagkaroon ng look test ang dalawang bida ng pelikula na ang tentative title ay “Love to Love” mula sa panulat at direksyon ni Irene Emma Villamor.
Unang nakatrabaho ni Dingdong sa pelikulang “Sid & Aya: Not A Love Story” si Direk Irene noong 2018 na produced ng Viva Films at kumita ito ng P160 million.
Nakailang shooting days na sina Ms. Charo at Dong at tinanong namin kung ano ang takbo ng istorya ng “Love to Love” at sino pa ang ibang cast.
Baka Bet Mo: Marian, Dingdong ipapasyal sa zoo sina Zia at Sixto ngayong Holy Week
View this post on Instagram
Sagot ni Erickson, “Silang dalawa lang at support na ang iba. Betty (Charo), a retired English Literature professor forms a friendship with neighbor and widower Ryan (Dingdong).”
Hanggang dito lang ang kuwento ng Cornerstone honcho at bahala na kaming mag-isip kung ano ang kabuuan nito.
Hmmmm, parang may mga ganitong kuwento sa mga K-drama na dalawang character lang pero hindi sila naging magkarelasyon kundi “situationship” na ibig sabihin according to Google ay, “a relationship that is more than friendship but less than a committed relationship.”
Oo nga naman, parang hindi rin namin ma-imagine si Ma’am Charo na sa edad niya ngayon ay mapo-fall pa sa isang guy na mas younger sa kanya.
Hindi rin namin naiisip na magkakaroon siya ng love interest sa isang movie dahil halos lahat ng project niya ay widower, grandmother, at lady boss na karakter niya ngayon.
Speaking of Direk Irene, tiyak na may kakaibang flavor na naman ang script niyang ito dahil para mapa-OO niya ang nag-iisang Charo Santos-Concio na masyadong picky sa mga project.
Si Paolo Orendain ang cinematogpraher ng pelikula na paborito ni Direk Irene dahil halos lahat ng pelikula nito ay siya ang DOP.
At tulad nga ng sinabi ni Erickson ay hindi para sa MMFF ang pelikula dahil pinag-iisipan pa nila kung ipalalabas ito sa sinehan o sa streaming platform.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.