Ser Chief may planong tumakbo sa Eleksiyon 2016? | Bandera

Ser Chief may planong tumakbo sa Eleksiyon 2016?

Ervin Santiago - December 13, 2014 - 03:00 AM

richard yap
Marami ang nagsasabi na kapag sumabak sa politika si Richard Yap tiyak daw na mananalo ang aktor. Sa kasikatan daw ng Kapamilya leading man ay magiging madali para kay Ser Chief ang pasukin ang mundo ng politics.

Pero mukhang wala pa sa isip ni Richard ang maging politician. Sa interview ng Tapatan Ni Tonying nu’ng Huwebes natanong si Ser Chief kung paano nga ba dapat mag-serve sa madlang pipol ang mga politiko.

“Ang dapat hanapin siguro natin ‘yung marunong mag-handle ng negosyo. I think the Philippines should be run like a business na everyone is paid to do their jobs but no one is allowed to steal.

Parang negosyo natin, siyempre nagpapasweldo tayo ng tao pero hindi ka pwede magnakaw. Kapag nagnakaw ka, tanggal ka,” aniya. Ano naman ang mga qualities na dapat meron ang isang Pangulo ng bansa? “It should be someone with honor.

Pangangalagaan niya yung reputasyon niya. Kailangan kasi ng bansa natin is someone with honor, who knows how to honor his commitments…’yung marunong mag-alaga ng mga tao.

Parang pamilya mo yan eh. You should treat the Philippines like your own family.” Pero ayon sa aktor, marami sa mga kakilala niyang negosyante ang ayaw na ayaw sa politika, “Ang problema kasi, kapag negosyante ka, ayaw mong pumasok sa pulitika. Mahirap i-change ang landscape ng politics natin.

“I’ve known of a few people who went into politics na meron silang magandang intensyon. Pero pagpasok nila, nakikita nila na kapag ikaw ang pumalag, ikaw ang pag-iinitan. So it will end up na wala silang magagawa,” sey  ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending