ALASKA, MERALCO LLAMADO SA QUARTERFINALS | Bandera

ALASKA, MERALCO LLAMADO SA QUARTERFINALS

Barry Pascua - December 11, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Alaska Milk  vs NLEX
7 p.m. Meralco vs Purefoods Star

KAPWA nagtatamasa ng twice-to-beat advantage ang Alaska Milk at Meralco kontra magkahiwalay na kalaban sa umpisa ng unang yugto ng quarterfinals ng PBA Philippine Cup mamaya sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Makakatunggali ng Aces ang NLEX sa ganap na alas-4:15 ng hapon samantalang sisikapin ng Meralco na wakasan ang paghahari ng defending chamion Purefoods Star sa alas-7 ng gabi na main game.

Nasayang ang pagkakataon ng Alaska Milk na makadiretso sa semifinals nang matalo ang Aces sa huli nilang dalawang laro sa elims sa Rain or Shine at Barangay Ginebra. Dahil dito ay nagtabla sila ng Talk ‘N Text sa record na 8-3 at nalaglag sa ikatlong puwesto. Nakamtan naman ng Road Warriors ang huling quarterfinals berth nang tapusin ang elims sa record na 4-7 at ikasampung puwesto.

Sa elims ay nakabawi ang Aces sa anim na puntos na abante ng Road Warriors sa huling tatlong minuto ng laro at nagwagi, 90-84.

Dahil sa hindi kumbinsidong na panalo ay ayaw ni coach Alex Compton na magkumpiyansa ang kanyang mga bata. Si Compton ay sumasandig kina Calvin Abueva, Sonny Thoss, JVee Casio at Cyrus Baguio.

Ang NLEX ay pinamumunuan ni Paul Asi Taulava na sinusuportahan nina Mark Cardona, Enrico Villanueva at Niño Canaleta.

Nakamit ng Meralco ang twice-to-beat na bentahe matapos talunin ang Globalport, 82-70, noong Martes. Nagtabla ang Bolts, Barangay Ginebra at Purefoods Star sa ikalimang puwesto sa record na 6-5.

Subalit matapos na gamitin ang quotient ay nakuha ng Gin Kings ang ikalimang puwesto. Ikaanim ang Bolts at ikapito naman ang Hotshots.

Upang maipagpatuloy ang pagdepensa sa korona ay kailangan ng Purefoods Star na talunin ang Meralco nang dalawang beses.

Dumaan sa butas ng karayom ang Hotshots bago tinalo ang Road Warriors, 77-74, noong Nobyembre 23.
Ang Purefoods Star ay binubuhat nina two-time Most Valuable Player James Yap, Peter June Simon, Joe Devance, Marc Pingris at bagong lipat na si Mick Pennisi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Meralco coach Norman Black ay aasa naman sa mga Asian Gamers na sina Gary David at Jared Dillinger kasama nina Reynell Hugnatan, Cliff Hodge at Mike Cortez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending