PH memory team handa na para sa World Championsip | Bandera

PH memory team handa na para sa World Championsip

- December 05, 2014 - 12:00 PM

HANDANG-HANDA na ang mga miyembro ng Philippine Memory Team na makipagtagisan ng husay at galing sa 23rd World Memory Championship na gaganapin sa Hainan, China sa Disyembre 11-13.

Gaya ng sa huling tatlong taon, itinuturing na isa sa paboritong koponan dito ang Pilipinas lalo pa’t nagtapos ito sa pangatlong puwesto noong 2012 at pumang-apat naman noong isang taon sa likod ng Germany, Sweden at Mongolia.

Ang delegasyon ng Philippine Mind Sports Organization (PMSA) ay binubuo nina Grandmaster of Memory (GMM) Mark Anthony Castañeda, GMM Erwin Balines, Axelyancy Tabernilla, Jamyla Lambunao at Anne Bernadette Bonita at suportado ng New San Jose Builders Inc., Geotechnics Philippines Inc., E.M. Cuerpo Inc. at Destiny Paints.

Noong isang taon, nakapag-uwi ang koponan ng 11 medalya sa pangunguna ni Lambunao na nakapagtala ng dalawang world records sa Kids Division. Ang child protégé ng St. Scholastica Academy Marikina ay nakapagmemorya ng 151 random words sa loob ng 15 minuto at 206 random numbers sa loob ng limang minuto para makopo ang pandaigdigang marka.

Sa taong ito ay sa Juniors Division na sasabak ang 13-anyos na si Lambunao pero handa pa rin siyang makipagsabayan sa dibisyong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending