Makapagsi-seaman bang muli? | Bandera

Makapagsi-seaman bang muli?

Joseph Greenfield - December 04, 2014 - 01:33 PM

Sulat mula kay Jessie  ng Purok 1, Camague,  Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Dati na po akong sumasakay sa barko ang kaso mula ng nababa ako January 2014, mag iisang taon na hindi na ako muling nasampa. Lumipat kasi ako ng agency, at sa bagong agency ko, puro pangako ang ginawa sa akin hindi naman ako pinatatawag. Nais ko sanang mag-aplay uli sa ibang agency naman. Sa palagay nyo sa susunod kayang taong 2015 papalarin na kaya ako? Sa kasalukuyan kasi paubos na ang ipon namin at unti-unti na kaming nababaon sa mga pagkakautang. Muli kayang magbabalik ang dating estado ng pamumuhay namin na maunlad at naibibigay ko ang mga luho ng aking pamilya? April 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Jessie ng Iligan City  
Palmistry:
Bagamat may Guhit ng Hadlang (1-1 arrow 1.) agad namang nakahulagpos ang ikalawang Travel Line (2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, na basta’t hindi ka nagtiil at hindi ka naglubay sa ka-aaplay upang muling makapag-barko, tiyak ang magaganap, sa darating na taong 2015 – may isang mabunga at mabiyayang paglalakbay na magaganap.
Cartomancy:
Seven of Diamonds, Two of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sisipagan mo lang mabuti ang pag-aaplay at wag mawawalan ng pag-asa, sa tulong ng isang dating kasamahan mo rin sa barko, sa buwan ng Pebrero, sa taong 2015, makapagsi-seaman kang muli.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending